Category: Books

Genre: Nonfiction

Author: Bob Ong

Publisher: Visual Print Enterprise, 184 Pages

Maka-masa. Ma-kwela. May kababawan at kalaliman din itong aklat ni Bob Ong. Kung minsan naman, walang kabuluhan. Kung minsan di’y masyadong malaman sa impormasyon. Ang mga chapter nito kadalasan ay mahirap pagtagni-tagniin ang koneksyon sa lohika—parang isang word puzzle. Gayunpaman, dumadaloy sa kanyang samu’t saring salita at kwento ang tema ng “kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng pangarap at tamang paraan ng pagsusulat,” (ang huli ay waring biro din nya kasi pansinin mo, may mga typo error ito gaya rin ng ibang bahagi ng libro).

Walang sayang na tinta. Kelangang namnamin ang bawat parte nito. Yan ang “Stainless Longganisa” ni Bob Ong. Kung bakit yan ang title ng aklat, hanggang matapos kong basahin ito, hindi ko nalaman. Hehe!

stainlesslongganisa

Nung una ay di ako matawa sa mga jokes nya. Ang pagbabasa kasi ng libro ay parang pagkilala sa isang tao. Sa una, hindi mo agad sya ma-appreciate pero sa kalaunan, pag matagal na kayong nagsasama’t nag-u-usap, marami ka na ring makikitang magagandang bagay sa kaibigan mo na hindi mo nakikita dati—ganun din sa pagbababasa.

Naka-kalahati muna ako ng libro nya (Chapter 5 & 6—may 11 Chapters itong buong aklat) bago ko nasakyan ang likaw ng kukote ng awtor. Madali syang basahin dahil karaniwang bokabularyo ang gamit nya–kahit na istambay sa kanto maiintindihan ito.

May mga pagkakataong patatawanin ka nito nang di mo inaasahan. At may mga piling parte naman na pag-i-iisipin ka nya ng malalim at bibigyan ng pagkakataong ilabas ang iyong pagiging ma-kwela at malikhain (basahin “Gawaing Pansanay”). Isa syang tunay na alagad ng sining.

Sa aklat ding ito, mas personal pang makikilala ang misteryosong si Bob Ong: ang kanyang mga trip at ayaw sa buhay, mga strengths and weaknesses, gayundin ang kanyang paglalakbay sa panulat at mundo ng publishing. Dito, nagbigay rin sya ng mga payo sa pagsusulat na hindi mula sa isang eksperto, kundi mula sa isang taong hindi perpekto gaya natin. Lamang lang sya ng ilang paligo sa atin kasi published writer na sya.

Saktong-sakto ang pagkakabasa ko ng “Stainless Longganisa” dahil gaya ng may-akda, ina-ambisyon ko ring maging manunulat at makasulat ng libro na magbibigay ng mga aral at inspirasyon sa mga maaabot nitong mambabasa, bagamat may pagkakaiba ang tema ng aming interes sa mga materyal na sulatin.

Ito ang unang aklat nya na natapos ko dahil yung iba, pasulyap-sulyap ko lang na binasa. Dahil din dito, masugid ko nang susubaybayan ang kanyang mga likha.

P.S. Salamat kay Sheila Kristine de Leon-Tracey sa pagpapahiram ng aklat nya sa akin.

Advertisements

11 thoughts on “Book Review: Bob Ong’s “Stainless Longganisa”

  1. hi,

    may nabasa ako dati sa kung saan na dapat ung pamagat ng book na ito ay “nagtataeng bolpen” di ko lang alam kung bakit naging stainless longganisa at tulad ni bob ong di ko parin alam kung langgonisa o longganisa ang tamang baybay.. haha!

    To GOD be the glory till eternity!

    Like

  2. I love Bob Ong especially ung book niya na “Ang Paboritong Libro ni Hudas”. Simpleng wika pero malaman.

    Ung title ng books niya usually parang MMK, haha! Kailangan mong intindihin maigi bago mo magets… ahhhhh… ito pala un! Mapapaganon ka na lang.

    Liked by 1 person

  3. My first and second ex-girlfriends both love Bob Ong. He sounds like a genius. Mukha atang nahawa ka sa pagkamakata nya at hayok sa panulat itong review mo. 🙂

    Like

    1. Hi, Rommel! Dati pa akong makata bago ako nakabasa ng mga Bob Ong books. 🙂 I started writing poetry in high school.

      Natawa ako kasi nagta-Tagalog ka rin pala. Hehe! Akala ko kasi Fil-am kang hindi marunong mag-Tagalog eh. 😉

      If you haven’t read any of his books, I suggest you try reading one, especially this book for writers: “Stainless Longganisa.” Feel-good lang sya, hindi masakit sa utak basahin. Haha!

      Enjoy your day, bro!

      Like

  4. Katatapos ko lang siya basahin ..Mas lalo pa rin ako humanga sa paraan ng kanyang pagsusulat. Sa pamgat niya sa bawat libro ginagawa niya mapapaisip ka sa kung ano ang nilalaman niya. Una ko binasa libro niya ay ang Kapitan Sino, sa pagbabasa ko ng libro yun dun ko nagustuhan ang paraan niya ng pagsusulat gamit ang tinta ng kanya ballpen. Para sakin si Bob Ong ay makwela pero may laman kung sumulat. Natapos ko na din ang libro niya “SI” .Ngayon nais ko kolektahin ang kanyang libro. Sana may bago pa siya akda at yun ang hinihintay ko.

    Like

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s