Sent to: http://www.facebook.com/presidentnoy

Dear President Noy,

Good day.

Early this morning I sent this letter to Antipolo City Mayor’s email addresses. Hope your good office can also help expedite the process of addressing this long on-going problem which happens every time it rains, causing flood in a major thoroughfare going to and from Antipolo thereby causing negative impact to thousands of lives living within the area because of it.

Many Thanks,

Adrian Diente Pantonial

—————–My Letter to Antipolo City Mayor starts here————–

From: Adrian Pantonial

To: mayorniloleyble@gmail.com, mayorniloleyble@antipolo.gov.ph

Date: Fri, Aug 27, 2010 at 1:12 AM

Subject: Paki-ayos po ang Madalas Bahaing Daan ng Kingsville Marcos Hi-way, Antipolo

mailed-by gmail.com

Sa Kinauukulan,

Magandang umaga po.

Ginagawa ko po itong liham ng halos kararating ko lang mula sa mahabang byahe galing ng Cubao kung saan maraming stranded na tao papuntang Masinag/Cogeo Gate 2/Padilla/Antipolo area dahil sa wala na namang masakyang mga jeep at FX dala ng pagbuhos ng ulan kung saan binaha na naman ang Kingsville area, Marcos Highway. Nag-jeep na akong pa-Marikina Sports Center dahil nagbabaka-sakaling mas may masakyan ako doon pero ganun din, marami ring tao ang stranded.

Matagal nang problema ang laging binabahang area ng Kingsville Marcos Hi-way, Antipolo. Siguro dahil lagi nang ganito ang sitwasyon kaya sanay na ang mga tao at tila hindi na naba-balita sa mga pahayagan, radyo at telebisyon.

Sana po ay maisip natin ang mga iba’t ibang impresyon ng nakakaraming taga-loob at labas ng Antipolo tungkol sa ating mahal na bayan at mga namamahala nito, gayundin ang mga hindi magagandang implikasyon ng hindi ma-ayos-ayos na drainage system o flood control system sa bahaging yan ng ating bayan. Marahil hindi lingid sa kaalaman nyo na noong panahon ng bagyong Ondoy, iyang bahaging iyan po ang isa sa mga pinaka-matinding tinamaan ng epekto ng hagupit ng bagyo.

Sa tuwing umuulan at bumabaha sa gawing iyan ng Antilpolo, ilang daang anak kaya ng Antipolo ang posibleng magkasakit dahil sa paglusong sa baha, paglalakad sa ilalim ng ulan? Kahit sa umaga at malakas ang ulan, ilang libong tao na pumapasok para sa mga paaralan, unibersidad sa labas ng Antipolo ang posibleng ma-late at tuluyang hindi na makapasok kapag hindi na nadaanan ang lugar na iyan? Gayundin ang epekto sa mga taong lulan ng mga shuttle services mula Masinag patungong Crossing, Global City-Taguig, Makati at sa mga pang-gabing trabaho (halimbawa sa Call Center atbp.). At ilang libong mga magulang, asawa at anak ang kailangang mag-alala sa tuwing malalim na ang gabi at malakas ang ulan na hindi pa umuuwi ang kanilang mga mahal sa buhay? Ilang vehicular accident kaya ang nagaganap sa tuwing may mga ganitong tagpo sa highway na iyan? Marami pong tao ang naaabala, marami pong buhay at pang-kabuhayan ang naaantala umaga man o gabi sa tuwing umuulan at binabaha sa lugar na ito dahil ang parteng iyan ay isa sa mga pangunahing daanan ng mga tao mula Metro Manila paakyat ng Antipolo (at vice versa).

Sabi po ng Mayor Danilo Leyble sa kanyang liham sa http://antipolo.gov.ph/>: “…the City Government is convinced that we must not only enhance resource generation and proper budget allocation, but we must also open our doors wide to foster an investment climate that will enable the private sector to flourish and fullfill its role as engine of growth…” [emphasis mine]. Huwag po sanang itong isyung ito ang maging dahilan ng hindi pagbubukas ng mga pintuan ng oportunidad para sa maraming taong nangangailangan ng kabuhayan sa ating syudad. Naniniwala po ako na ang pagpapa-ayos ng kalsada, higit lalo ng drainage at flood control system ng Antipolo ay makakatulong sa pagtupad ng mithiing ito.

May ginagawa na po ba ang ating pamahalaang lokal para ayusin ang problemang ito? O hihintayin pa po ba natin ang administrasyon ng ginagawang SM sa Masinag ang mag-ayos ng problema sa pagbaha dyan?

Maraming salamat po sa pagbibigay nyo ng panahon sa pagbabasa ng sulat na ito at nawa’y magkaroon po ito ng agarang katugunan, higit lalo ng karampatang aksyon, kung wala pang kasalukuyang ginagawa ang ating lokal na pamahalaan tungkol dito.

Lubos na Gumagalang,

Adrian Diente Pantonial

Concerned Citizen

Advertisements

4 thoughts on “My Letter to President Noy On His Official Facebook Page

  1. Adrian Pantonial wrote on Facebook-Sept. 2, 2010-1:46pm: Dear Friends,

    Our cry for help has been heard by DPWH. This afternoon, I got a personal message on my Facebook with the following content:

    “Dear Sir Pantonial,

    Please be informed that the DPWH Major Flood Control and Drainage Project Managemnt Office is now preparing the program of work for the drainage improvement project in Kingsville. Once that the program of work was completed it will be included in the DPWH Annual Plan for funding and implementation of the said project. Thank you very much in participating in our efforts to further improve our service to the Filipino people. Maraming Salamat po!

    -DPWH”

    Like

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s