Katha ni Adrian Diente Pantonial

*Para sa Nakaraan, Kasalukuyan at Hinaharap*

Ngayong gabi,
…sa liwanag ng mga tila nagsasayawang bituin,
…sa gitna ng alon ng damdaming umaalagwa sa’king kaibuturan,
…at samu’t saring alaalang namumutakti sa’king isipan,
tinatangay ako ng mga pangyayaring
tila paulit-ulit kong daraanan
hanggang lubusan ko silang matutunan…

-NAKARAAN-

Kapag puso na ang pinahintulutang maghari, lumalabo ang lohika
at di na maka-isip ng matino kaya ang resulta, desisyong wala sa hwisyo.

Salamat sa’yo, nalaman ko kung hanggang saan lang dapat ako sa puso mo…sa buhay mo.

Hindi lahat nang nang-i-iwan ay nakasusumpong agad ng kasiyahan.
Yung iba mas nagiging miserable pa muna ang buhay pero wala nang balikan kasi wala na talagang babalikan.

-KASALUKUYAN-

May iba’t ibang uri ng pagkakaibigan:
-mayroong hinahanap mo pag kelangan mong humagalpak sa kakatawa,
-merong tinatakbuhan mo pag kelangan mo ng tulong,
-may kaibigang pang-oras ng trabaho lang,
-may kaibigan din namang pang-all-purpose kumbaga at
-may kaibigang gusto mong higit pa maging kaibigan lang pero hindi talaga pwede kahit anong pilit mo pa.

Dahil hindi natin nakikita ang hangin, hindi natin alam kung saan ito papunta.
Gaya rin ng pagkakaibigang tinangay na ng agos ng panahon.

-HINAHARAP-

Sa paghihintay, mas natutunan kong higit ang aking mga kahinaan at kalakasan.

Hindi lahat ng kwento sa totoong buhay ay itutuloy.
Gaya nang sa komiks, yung iba ay wakasan.
At yung iba ay hanggang dun na lang, kahit di pa tapos, hindi na maitutuloy.

Sa lahat ng pamamaalam, laging may nagdaramdam:
kung hindi ang iniwan, ang umaalis ang may pagka-sawi…
Pero dapat laging magpatuloy–taglay ang pusong kahit sugatan man–hanggang sa kung saan…maglayag sa kailanman!

Advertisements

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s