“Love is like a real kiss. A real kiss is like coming home. you know that there, in that one place,you will always belong.”-Callie

Q: May girl friend ka ba?

A: Wala pa sa ngayon.

Q: Nagka-girl friend ka na ba?

A: Hindi pa. For more info, basahin mo ang sumusunod na entry.

Q: Bakit Single ka pa rin?

A: Eto na nga e. Sasabihin ko na. Magbasa ka kaya sa ibaba? Hehe!

Bakit Single Ka Pa Rin? Part 1

Madalas kong marinig ang mga ganitong klaseng tanong sa iba ibang klaseng sitwasyon: sa mga bagong kakilala kung saan-saan, maging sa komunidad, lalo na as mga opismeyts. Depende sa paraan ng pagtatanong at sa mood ko, heto ang mga posibleng isagot ko sa huling tanong sa itaas:

a.) “Darating din tayo dyan…” [sabay pakita ng aking close-up smile]

b.) “I want to become the right man for the right girl first.” [with matching beautiful eyes & angel’s halo on the head]

c.) “Karera ba ang pag-ibig? Bakit kelangang madaliin ang isang pinakamahalagang relasyon sa buhay mo na pwedeng ikaganda o ikasira, hindi lang ng buhay mo, kundi pati ng mapapangasawa mo at magiging anak mo?” [Hindi pa tapos yan. Marami pa akong hirit.]

d.) “Gusto ko muna sanang maging financially, emotionally and spiritually prepared for it.” [Ehem…Perfectionist? Religious???]

e.) “Ano’ng pakialam mo? Bakit? Masama bang maging Single pa rin sa ganitong edad?” [Grrr!]

I just turned 30 years old this year at still single (and mostly happy), available (but not actively seeking) at sabi ng ilan [please fasten your seatbelt…] “eligible bachelor” na daw.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa at aaminin ko: “Oo, atat na atat na akong magka-girl friend at eventually, mag-asawa.” Pero hindi iyon ganun kadali para sa’kin. Tantya ko hindi pa ako handa at ang ilang aspeto at sitwasyon ng buhay ko ay kailangan pa ng masipat na eksaminasyon at pagbabago.

Hindi gaya ng mga hopeless romantic, naniniwala ako na hindi lang dapat puso ang pina-i-iral pagdating sa pag-ibig dahil madaya ang puso at pabago-bago ang ating emosyon.

Naniniwala ako na pinai-iral din dapat ang isip sa mga desisyon pagdating sa pagmamahal dahil hindi lang naman buhay ko ang nakataya sa isang relasyon kundi buhay din ng magmamahal sa’kin at buhay ng mga taong nagmamahal sa’kin na maaaring maapektuhan–if ever magkaroon ako ng ka-LQ (love quarrel) kasi sabi nga ni Ricky Lee sa pabalat ng unang nobela nyang Para Kay B: “Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.”

Naniniwala ako na: “Love is not just a noun but also a verb, an “action” word…not a just a mere emotion but a decision…not just a one-time vow in marriage which you can trash eventually (kapag ayaw mo/nyo na) but a lifetime commitment.”

[Oo, may mga relasyon talagang hindi nagtatagal because we live in a broken world with imperfect people like us in it pero para sa’kin kasi… 

Lahat ng mga pinakamagandang bagay sa buhay ay dapat na pinaglalaban: pag-ibig, pamilya, pananampalataya.

Wala akong kapasidad na malaman kung hanggang saan dapat ang kayang ipaglaban ng isang tao para sya mag-desisyong bitiwan na ang pakikisama sa asawa. Pero at least, kahit papaano, ay hindi dapat basta-basta umaalis sa isang relasyon na hindi muna ginawa ang lahat ng makakaya at ang mga posibleng makatulong sa pagsi-save ng pagsasama—lalo na kung may anak na sila.]

Ayokong pumasok ng basta-basta sa isang relasyon ng hindi man lang pinag-panalangin, pinagplanuhan at pinaghandaang maigi (3 P’s-Teknikal ba?). Ayokong magaya sa ilang kakilala ko na sa kakamadali, hindi maganda ang resultang kinalabasan gaya ng listahang ito:

1.) Nagkaroon ng maraming emotional baggages at dahil dito nahirapang mag-move on sa mga bagong ka-relasyon

2.) Nabuntis ang babae sa BF-GF stage pa lang at pinakasalan lang dahil dito

3.) Dahil sa nagka-anak ng hindi financially stable kaya nalosyang ang babae (minsan pati yung lalaki) sa kaka-alaga ng mga anak, na kadalasa’y walang makain at posibleng hindi mabigyan ng magandang edukasyon

4.) Patuloy na nagiging pabigat sa kinalakihang pamilya dahil sa mga magulang pa rin nakatira at walang regular na trabaho

5.) Naghiwalay ng maaga matapos magkakilala ng lubusan at makita ang mga hindi magandang ugali ng isa’t isa pagkatapos manganak ni babae

6.) Away ng away ang mag-asawa dahil sa mga “unresolved personal issues” ng bawat isa

Hindi lang ang mga ito ang posibleng kahantungan ng pagpasok sa isang relasyon na wala/kulang sa 3P’s na nabanggit ko sa itaas. 

Please don’t get me wrong. Hindi ako takot pumasok sa relasyon dahil sa mga nabanggit na sitwasyon. Iba lang sa karamihan ang priorities ko ngayon sa buhay.

At hindi ko ipipilit sa iba, ni ini-expect na mai-intindihan ng bawat makakarinig ng paliwanag ko o makakabasa ng blog series na ito ang mga paniniwala at prinsipyo ko sa buhay kaugnay ng paksang ito.

Hindi ako perfectionist. Sabihin na lang natin na may pagka-idealistic pa rin ako lalo na sa larangan ng pag-ibig dahil ayokong ilagay sa isang hindi magandang sitwasyon ang babaeng mamahalin ko pati ang posibleng mga magiging anak ko sa kanya.

I want to be a blessing to her and not a curse. I want to become someone she and my future children can be proud of. I want to be the best man/Dad I can ever be for them. [Sobrang cheesy!]

Kaya ngayon, pinagsisikapan at pinagti-tyagaan kong dumaan sa masinsin at mahalagang proseso ng transpormasyon sa awa, biyaya at tulong ng Diyos. Minsa’y masakit sa ulo at damdamin kapag pinipilit kong intindihin ang mga nangyari at kasalukuyang pangyayari sa buhay ko.

Gayunman, hindi ko pinagsisihan na Single pa rin ako hanggang ngayon. It’s a choice and decision na paninindigan ko at hindi ko kinakahiya.

Willing to Wait,

Adrian

[Abangan ang susunod na kabanata…]

Read Part 2

Read Part 3

-This post was first posted in my Facebook last October 9, 2009-

Advertisements

45 thoughts on “Bakit Single Ka Pa Rin? / Part 1: Prelude To A Kiss

  1. N.G.S.B ako.. ikaw din po ba author? kelan kaya ako magkaka g.f… kung di lang ako torpe. pero gusto ko kase pag magka g.f ako may maipagmamalaki ako sa kanya.. yun bang tipong financially stable ako at kaya ko syang buhayin kahit pa hanggang sa magiging future namen. for me.. hindi sapat ang pag ibig lang para masecure mo yun magiging future nyo. tama po ba?

    Like

    1. @ Akolang – Tama ako nga ang author nito. Tantya ko parang nag-aalala ka sa tanong mo kung kelan ka magkaka-GF ah? Don’t worry, darating ka rin dyan in time and when you’re ready for it.

      Tama yung sinabi mo, mahalaga ang preparation hindi yung bara-bara lang na para lang may mai-display ng GF, kahit hindi pa financially stable, minsan nga kahit wala pang trabaho, papasok na sa relasyon.

      Sang-ayon ako sa sinabi mong pag-ibig lang ay hindi sapat para ma-secure ang future lalo na kung ang meaning ng “love” para sa iba ay “feelings or emotion” lang dahil yan ay nagbabago.

      Like

  2. Great views. Shared this on FB and got some likes and shares. How’d you respond to those who could say “Paano ka magiging handa kung hindi ka muna magpractice?”

    Like

    1. @ Pinoyjourn-Thank you for sharing this on your FB network and for taking time to leave a comment.

      That’s a very interesting question. To the person who asked that question, I’ll first answer with another question: “Ano ba ang dapat mong pag-practice-an para maging ready sa relationship?”

      Then I’ll follow it up with these lines: “Ano ba ang mahalaga sa isang relationship? Hindi ba’t mga character traits more than just physical looks and superficial gestures na hindi naman galing sa puso?

      Ang mga character traits na dadalhin natin sa isang relationship ay mga character traits na “pinag-practice-an” natin sa iba’t ibang parte ng ating buhay: sa bahay, sa mga friends, sa community, school, work, even online etc.

      A relationship between lovers/couples is really more than just handling a relationship where only two persons are involved because kapag nag-work yung relationship na yun or kung magkaka-problema man sa relationship ng dalawang tao, the other people around us with whom we “practice” the character traits like trust-worthiness, loyalty, serving others, loving people unconditionally and giving even when it hurts etc., are the very people we will turn to to rejoice with us, encourage, strengthen and even correct us when needed.

      Gets ba? 🙂 Let me know if you need further explanation.

      Like

      1. Whoa. Effort ang reply. I’d agree and need no further explanation, largely since I’ve decided way back that it’s not my time yet–unless God says so.

        Tama ka, may pamilya rin ako na mas mabuting paglaanan ko ng panahon . Di rin naman ako magkukulang sa pagsasama dahil sa dami ng aking mga kaibigan.

        Malaking bagay marahil na sabihin ng isang tao na hindi pa siya handa sa isang relasyon. Kung gayon, maiiwasan niyang lokohin ang makakarelasyon niya, at lalo pa ang sarili niya.

        Ang di-pagkakaunawaan siguro kasi ay sa pananaw na kapag nagkarelasyon ka na ay doon na sa iyong mapapangasawa. Di lamang “until further notice,” gaya ng sabi ng isa kong kaibigan na nag-share nito. Kasi kung “love and see what happens,” why bother with requirements?

        You deserve the comment. As a blogger myself, narealize ko ang kahalagahan ng feedback, lalo na kapag “natamaan,” nakinabang, o naapektuhan ka ng isang blog post.

        Aabangan ko kuya ang pag-move-forward mo mula sa pagka-single ah!

        Like

  3. Kuya. Matanong lang kita. May naka-krasan, nahuhumalingan, o nagugustuhan ka naman ba ngayon? Kung hindi pa, dapat ata ay nagmamatyag at nakikiramdam ka na rin sa paligid mo. Baka dumaan na iyong pinaghahandaan mo hindi mo napansin dahil masyado kang seryoso sa preparasyon mo. Just my 2 cents kuya. Kasi, gusto ko sana sa susunod na post mo in-love ka na. Yeehee!! Cheers!!

    Like

    1. @ Simon – Salamat sa nakaka-kilig mong tanong. Yihee! =P Crush, humaling at nagugustuhan? Meron naman pero gusto kong ma-single out muna sya at gusto kong maka-sigurong siya talaga yung perfect will ni God sa’kin dahil ayokong mag-effort kung hindi naman ako sure dahil baka masaktan ko lang sya emotionally or vice versa at pareho naming dadalhin ang emotional baggage na yan sa aming future relationships. That’s why I’m careful at hindi padalos-dalos sa relationship.

      Naniniwala akong may magandang plano ang Diyos sa buhay ko (Read Jeremiah 29:11) kahit na may mga akala kong “siya na yun” na nauna nang magpa-kasal sa iba, nagtitiwala akong mabuti ang Diyos sa Kanyang mga anak at hindi Niya ibibigay ang nararapat – basta patuloy lang nating sundin ang kalooban Niya sa buhay natin because He knows what’s best for us and just exactly when it’s really time for it. 🙂

      Thank you too for wishing me well. I appreciate it.

      Like

        1. Hi TacticianJenro!

          You’re right! We don’t need to interfere to God’s plan. We only need to cooperate and work with Him on those because He loves us and He knows our past, present, and future so He definitely wants the best for us.

          Cheers, Adrian

          Like

  4. I’ve shared this article as well… i am no longer single (i got married last yr @29) but i totally agree with everything you’ve written..

    i most especially loved this:
    Ayokong pumasok ng basta-basta sa isang relasyon ng hindi man lang pinag-panalangin, pinagplanuhan at pinaghandaang maigi…

    —100% agreed.

    Like

    1. @ Genesis-Thank you for sharing this blog post to your network. 😉

      I like the combination of your name: “Genesis” and “Grace.” Very meaningful indeed. Your wise parents must have thought about it carefully.

      I’m glad to know that you’re happily married now. Here’s to wishing you and your husband a fruitful and lifelong marriage.

      Like

      1. Thanks, I’m their firstborn hence the name, and I am thankful they’ve given me that, a challenge living up to it’s meaning but boy it helped!

        I’ve put you on my blogroll, I find your writings inspiring…
        God bless!

        Like

  5. @ Pinoyjourn – Thank you for wishing me well pero ako naman magta-tanong sa’yo this time ha? Medyo hindi ko kasi masyado naintindihan yung pakahulugan mo and/or ng friend mong nagsabi nang: “Di lamang “until further notice,” gaya ng sabi ng isa kong kaibigan na nag-share nito. Kasi kung “love and see what happens,” why bother with requirements?”

    Paki-explain naman please? Hehe! 😛

    Like

    1. Pahapyaw ko lang din siguro kasi nabanggit. Pinapaliwanag ng kaibigan ko sa kaibigan nyang nagcomment ng maaari mong pakahulugan. “I think he just wants to make sure the shot is worth it. It’s hard to say yes to forever when you really mean ‘until further notice,'” aniya.

      Akin na galing yung pangalawang pahayag. Patungkol nga sa paghahanap ng makakarelasyon na mapapangasawa na rin. Ang dating nga lang kasi sa iba parang ang taas-taas ng standards mo para sa karelasyon. Pero kung gusto mo lang magkarelasyon “until further notice” o “let’s see what happens,” hindi ka na rin siguro mag-aabala sa mga standard o requirement.

      Sana medyo gets na. Salamat!

      Like

      1. @ Pinoyjourn – Thank you for taking the time to explain. I appreciate it.

        Tingin siguro nila mataas ang standard ko but if you’ll think about it, nasanay lang siguro ang karamihan sa “walang standards” na pakikipag-relasyon. The media, culture and environment has so bombarded us with false value system that have become part of the system of many.

        Only few people are brave enough to pursue the “road less travelled” and take their relationships to the next level. People who make great and lasting relationships are indeed hard to find only because some have settled for second best. It takes a lot of faith and courage but it will be all worth it if we follow God’s best paths for our lives. =)

        Like

  6. Merry christmas Adrian! I wish u all the best in your journey.
    I would say, agree ako sa sinabi mo at may kilala rin akong lalaki na my ideals like you. And honestly, mahal na mahal ko sya :))). After 31 years, he decided to be in-a relationship with me. We are in a long distance relationship right now but i’m proud to say that our relationship is getting better each day. Life has no guarantees but i’ll do everything to make our relationship work. He’s the man i prayed to be with & i believe that everything is possible to one who has faith. God bless you my friend and be happy always. Single life is cool and when the right time comes -you can find finally find your soul mate then life gets even better:)))

    Like

    1. Hey Rhiana!

      Thank you for the early Christmas greeting, for leaving your comment and for sharing a bit of your inspiring love story.

      It sounds like your guy is worth your prayers and effort to make your long distance relationship work.

      You’re right. Life has no guarantees and that every precious thing in life is worth exerting efforts on.

      Here’s to wishing you and your mate a warm, love-filled Christmas even though miles away apart! 😉

      Like

  7. hi,

    happy new year, adrian and to all the readers! =p

    inspiring naman ng article na ito…
    naniniwala ako sa sinabi mo tungkol sa pagpasok sa isang relasyon…
    may nabasa ako sa sirach 36:18 about “choosing a wife”…
    kailangan tlagang ipagdasal ang bawat relasyon..
    naniniwala ako na kapag si GOD ang nasa center ng any relationship (family and personal) kahit na anong bigat man ng pagdaraanan nyo, keribels lang yun.. coz u have a bigger GOD. 🙂

    at kapag si GOD ang gumawa ng way, sureball un… and once nakilala mo ung GOD’s gift mo, she’s really worth the wait…

    share ko pala ung song ni john waller, “while waiting”. maganda ung message ng song. 🙂

    Happy New Year uli! Be blessed!

    To GOD be the glory till eternity!

    Like

  8. Grabe 😀
    Super-inspiring naman ng iyong blog.
    Thanks for sharing 🙂

    Kasama niyo po ako sa ganyang adhikain!
    Super-thankful ako kay God kasi I’m surrounded with people who also have this same views when it comes to having a relationship.

    Yung barkada ko, lahat kami NBSB 🙂 and hindi kami pressured sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa amin. Bagkus, natutuwa pa sila sa barkada namin lalo na yung mga highschool classmates namin. Paano raw namin kinaya? —ang sagot namin… di pa naman priority ang pumasok sa relationship and HINDI pa rin kami ready.

    Napatunayan ko na malaking tulong din kung may support group lalo na sa ganitong bagay.

    They will help you to realize things and will remind you na ang mga bagay ay my right time (God’s time).

    Alam ko rin na nireready na ni Lord yung taong yun at syempre pati ako nagreready na rin. Para pag nagkita na kami BEST na kami para sa isa’t isa.

    Like

    1. @ patientlywaitingGod’sTime – Salamat sa pagbisita, sa papuri at sa pag-iwan ng comment. 🙂

      Sang-ayon ako sa “support group” na nabanggit mo. The Bible says: “Bad company corrupts character” that’s why we ought to choose our friends wisely.

      I like your last two lines. God really has a perfect timing for everything. Let’s continue to keep in step with Him and surely our lives will be filled with wonderful surprises. 😉

      Like

  9. wow akala ko ako lang…
    by the way while i was writing on my journal i actually remembered a feeling and not the reason behind my decisions. so i guess at this point i do believe the heart can tell us something the mind cant even comprehend..

    hahaha wala lng alala ko lng while reading ur blog. off to read p2

    Like

  10. Wohoo! love it tlaga.. Super agree ako. Thank God, there are still many people with that perspective about being single. Thanks for writing this blog,it’s indeed guided by wisdom- it has been a blessing to me..be reading the part 2. God bless u more n more! 🙂

    Like

    1. Hi SaLLie_me!

      Thank you for visiting my blog and leaving a comment. 🙂

      If you love it, do pass on the blessing by sharing it to your Facebook network.

      God bless you and your family more too!

      Cheers, Adrian

      Like

  11. Hi,

    I’m really impressed of your writings. Ang ganda ng blog mo brother. Tama ka , God has plan for every each of us. Are you from Metro East also? haha wala lang natanong ko lang, I think I need a friend there eh since new lang ako and my friends were not interested joining with me. 😦

    Like

    1. Hi Pedro,

      Wow! Thank you for the compliment. I continue to work hard to improve my writing and over-all communication skills.

      Yes, I am from Victory Metro East. Hmn…Very interesting! Coincidence or God-orchestrated event? Hehe!

      Are you part of a Victory Group now? If you’re already working, I’m leading a Single Men’s Victory Group every Sunday 5pm. We meet at Body Senses L3 Robinsons Metro East. Would you like to join us? =) If so, email me your cel# so I can contact you. 🙂

      If you’re still studying, I can still connect you to a Victory Group of your age.

      Hope to hear from you soon.

      Cheers, Adrian

      Like

      1. I’m working now.. Yes finally there is someone invite me to a Victory Group. I’m very glad… thank you!

        I’m interested to join on your VG.. by the way what’s your email ?

        Like

  12. you can be that guy character on Paulo Coelho’s “By the River Piedra I Sat Down and Wept”.. kaso nga lang dami na siyang naging karelasyon, pero ikaw single pa..hehehe 🙂

    Like

      1. Hahaha! Oo nga pansin ko rin.. 🙂 But anyway, i’ve been so grateful that upon by chance I was able to read your posts that full of sense and made me want to think otherwise.. Keep posting and I’ll be surely keep on reading.. Kudos!

        Like

  13. Ades I’ve read this before when you were still courting me,but reading it again,now that we are in a relationship made my heart swell! I am a blessed girl indeed 🙂

    Like

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s