-Read Part 1 Here- 

“The most important aspect about singlehood that I wish for you to embrace is that your value as a person, your ability to make a meaningful contribution to your community, and your capacity to enjoy your life is not in any way connected to whether or not you are dating or in a committed relationship.”–Brad Paul

Siguro ay hindi uso sa Pilipinas ang tumatandang Single mapa-lalaki o babae man dahil madalas nakukutya at tampulan ng chismis ang mga ume-edad nang ganito at samu’t saring isyu ang parang kelangang sagutin nila dahil sa mga taong tila hindi komportableng makadaupang-palad ang mga Single folks.

exploringSinglehood

Sabi ng Australian trainer namin dati nung bago pa lang ako sa Shell, sa bansa daw nila, maraming tumatandang dalaga’t binata kaya ini-encourage ng kanilang pamahalaan ang immigration. Kasi naman, marami sa kanila ang mahilig mag-Outback trips within and outside their country kung saan kadalasan, nag-i-ipon sila galing sa isang buong taon nilang kita para lang magawa ang mga leisurely travels na ito. Sa U.S. naman, kahit na may mga maagang nag-a-asawa, karamihan sa kanila ay abala sa pagtupad ng kanilang version ng American Dream. Sa katunayan, 89.6 million or 50.3% ng kanilang populasyon ay Single pa ayon sa 2006 U.S. Census.

Sa ating bansa, kung saan patuloy na bumababa ang moralidad at pagpapahalaga sa mga sinaunang kaugalian, usong-uso ang buntisan muna bago kasalan–tapos minsan “ayawan na” pag hindi nagustuhan ng isa ang di magandang ugali, habits and/or hobbies ng kanilang nakatuluyan. Impluwensya nga lang ba ng media, barkada at kinalakihang environment ang sanhi ng “kanser ng lipunan”? Kasama rin ba ang takot na ma-stereotype na kakaiba kaya hindi na pinaninindigan ang mga prinsipyo sa buhay? O sadyang wala lang matibay na pundasyon ang prinsipyo ng ilan sa atin kaya madaling bumibigay sa tukso.

Sa totoo lang, mas madaling bumigay sa mali kaysa gawin at ipaglaban ang tama. Mas madaling magpaka-sama kaysa magpaka-buti. Kadalasan, nalilimutan ng iba ang “sakit” at dusa na pwede nilang maranasan para sa panandaliang “sarap” ng pagkakamali o kasalanan.

Ilan sa mga ibinabatong paratang sa amin kung bakit kami daw ay Single pa rin ay ang mga ito (in random order):

  • Pangit ang hitsura
  • Masamang ugali
  • Happy-go-lucky
  • Masyadong mapili
  • Sobrang taas ng standard
  • Dala ang bigat ng kahapon
  • Maraming personal issues
  • Weird

Posibleng ilan sa amin ay may ganitong mga isyu at posible rin namang tunay na walang katotohanan ang mga paratang na iyan. Syempre, depende sa tao at case-to-case basis yan.

Habang hindi naman laging miserable ang pag-a-asawa ng maaga at marami ring kabutihan ang pinagpanalangin, pinag-planuhan at pinaghandaang pagsasama, para sa akin, heto ang mga advantages ng pagiging isang Single:

1. Nae-enjoy ko ang aking pagka-binata sa mga bagay na gusto kong gawin at mga lugar na gusto kong puntahan nang walang pumipigil sa akin.

2. I can spend time with friends as often as I want, whenever and wherever I want.

3. Mas konti ang alalahanin sa buhay kaysa sa mga taong may asawa’t anak

4. Depending on the person’s involvements and activities, there’s likely “less stress” in a Single’s life.

5. Bukod sa quality time sa Nanay at mga kapatid ko, pwede kong gamitin ang malaking porsyento ng oras ko sa paglilingkod sa Diyos at bayan (hal. Volunteer activities related to church/work and/or community). Parang kandidato lang sa eleksyon ano?

6. I appreciate focusing on my writing when I need to because it’s mostly a solitary task.

7. Hawak ko ang pera ko at pwede kong gamitin ito sa kahit paanong paraan na maisip ko gaya ng mga ito:

  • i.) Natulungan kong makatapos ng kolehiyo ang dalawang kapatid ko at kasalukuyang tinutulungan sa pag-a-aral ang aming 2nd year highschool na bunso.
  • ii.) Ang Nanay naman, napa-opera ko sa breast cancer sa St. Luke’s through our company health benefits na kasalukuyang via salary deduction ang employee’s percentage share sa lahat ng gastos.
  • iii.) At patuloy kong hinuhulugan ang natitira pang bayarin sa aming kasalukuyang tinutuluyang tahanan.

Totoo na may mga episodes of depression ding involved sa buhay ng isang Single kasi wala namang buhay na puno lagi ng kasiyahan di ba? Lahat ng tao mula sa iba’t ibang kasarian, kalagayan at grupong kinabibilangan sa buhay (student, single, married & widow) ay dinadalaw rin ng kalungkutan. Lahat ng tao ay may problema. Habang may buhay, may problema (ngunit may “pag-asa” rin).

Ang isang pinaka-importanteng paalala ko tungkol sa pag-harap sa problema ay ito: ATTITUDE = ALTITUDE. Ang attitude ko ang tumutulong o sumisira ng diskarte ko sa paghanap ng solusyon sa problema at nakaka-apekto ng malaki sa patutunguhan ko matapos harapin/talikuran ang problema.

Sabi nga ng isang lumang kanta: “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.” Ang resulta ng buhay ko, ito man ay mabuti o masama, ay may direktang epekto sa mga taong nakapaligid sa’kin.

Sinisikap kong gawing masaya at makabuluhan ang pagiging Single ko, hindi lang para sa sarili kong kapakinabangan, kundi para rin sa mga taong nai-impluwensyahan ng buhay ko—dahil hindi maglalaon—ang mga kabutihang itinanim ko ngayon ay magbubunga rin pagdating ng panahon na mapakikinabangan ko, ako man ay Single pa o hindi na.

ITUTULOY…

 -This post was first posted in my Facebook last October 17, 2009-

-Read Part 3 Here-

Advertisements

One thought on “Bakit Single Ka Pa Rin? / Part 2: Exploring the Myths & Benefits of Singlehood

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s