Read Part 1

Read Part 2

“I firmly believe that “He has made everything beautiful in its time…” (Eccl 3:11a) and right now, I’m just basking in His love, asking Him to help me see myself the way He sees me and to make me secure while content in His love…the greatest love of all.” – Adrian Diente Pantonial

Nahirapan akong sundan ang blog series na ito dahil ina-alat yata akong hindi dapuan ng “inspirasyon” habang inabutan naman ng maraming gagawin at pupuntahan kaugnay ng holiday season. Inspirasyon din daw ang dahilan kung bakit maagang pumasok sa BF-GF stage ang kapatid naming bunso na kinailangan kong pagtuunan ng pansin dahil sa wrong timing nito [more details below].

Image from http://getcolor090.blogspot.com
Image from http://getcolor090.blogspot.com

Dahil ayokong may gawaing hindi tinatapos kaya muli na naman akong sumusulat ngayon. Naniniwala akong ang bawat gawain ay hindi naman dapat hinihintayan pa ng inspirasyon bago gawin at ang tagumpay ay para sa kanila na may commitment na tapusin ang bawat nilang nasimulan. Gayundin naman sa isang relasyon di ba? 

It matters that we not only start right but that we continue doing the right thing until we finish well and strong.

The middle part of that statement is almost always the hardest thing to do because we make blunders along the way and it’s hard to forgive/be forgiven every time.

Bago pa lumalim ang paghinuha natin sa huling bahagi ng yugtong ito, baka nagtataka ka kung bakit heto’t may panibagong entry dito. Well, papel…this is it, pancit. After a while crocodile, dito ko na sasabihin kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin ako…[Corny ng joke ko di ba? Pero hindi ako cornick. Hehehe!]

Last week ng November nung ma-diskubre kong may boyfriend (BF) na ang aking 2nd year high school na kapatid (si Aniecar) na tinutulungan kong mapag-aral sa isang Christian school.

Sinadya kong dalawin ang kanyang Friendster account isang araw at dun ko nakita ang mga comment nung lalaki kaya pinuntahan ko rin ang profile nung BF nya at na-confirm kong “sila na nga.” Tila torong umu-usok ang ilong ko sa galit nung malaman ko iyon. Ang sabi ko kasi sa kanya, magtapos muna sya ng college bago sya pumasok sa ganitong klaseng relasyon. Ayoko kasi sanang maulit sa kanya ang nangyari sa dalawa pa naming kapatid na napilitang pumasok sa maagang pag-aasawa matapos magka-anak dahil sa ganitong set-up. Kaya inilaan ko ang isa sa mga vacation leave ko mula sa trabaho para pumunta sa eskwelahan nila at kinausap ko ang kapatid ko pati ang BF nya at ang mga magulang nito. Doon ko napag-alaman na maging ang mga magulang nung lalaki ay tutol sa BF-GF arrangement nila. Sabi ko sa kanila…

Naniniwala ako na isa sa mga dahilan kung bakit maraming mahirap sa Pilipinas ay dahil sa maaga at hindi pinag-handaang pag-aasawa.

“Itong relasyon nila ay hindi naman isang bagay na ikamamatay nila kung wala sila nito. Ito’y isang bagay na pinaniniwalan kong hindi naman nila ‘pangangailangan’ kundi ‘kagustuhan’ lamang nila,” dagdag ko pa.

Nung kinausap ko yung kapatid ko ilang araw bago magpunta sa school nila, sabi nya sa’kin, “inspirasyon” daw nya sa pag-a-aral yung lalaki. Ang sabi ko naman, kung talagang inspirasyon nya ito, bakit nagba-babaan ang ilang grades nya sa report card?!

Matapos ang pag-u-usap namin ng magulang nung lalaki sa eskwelahan nila, tinapos din namin ang kanilang ugnayan bilang mag-BF. Ang challenge ko sa kanila, kung talagang mahal nila ang isa’t isa, maghintay muna sila hanggang matapos sila sa kolehiyo bago nila simulang muli ang relasyong ito.

Naniniwala akong may mas malalim pang dahilan kung bakit naudyok na magka-boyfriend si Aniecar. Marahil ito ay kakulangan sa atensyon at pagmamahal na pinilit naming punan, naming magkakapatid, sa loob ng humigit kumulang na walong taong pagkawala ni Nanay sa amin.

Sabi nga ng kapatid naming si April, masyado kasi kaming naging busy sa mga trabaho namin kaya hindi namin natutukan yung pag-laki ni Aniecar. Kumpara sa paglaki ng mga ate’t kuya nya, mas marami syang “hilig” na naibigay namin, mga materyal na bagay na salat kami dati nung kami ay lumalaki kahit buhay pa si Tatay. Hindi talaga maipagpapalit ng anumang layaw o pera ang panahon at pagmamahal para sa mga espesyal na tao sa buhay natin. The old adage is true: “Love is spelled T-I-M-E.”

Ang pagsisilbi at pagtulong sa aking pamilya (hindi lang sa pinansyal na aspeto) ang isang pinaka-malaking dahilan kung bakit Single pa rin ako hanggang ngayon.

Gayunman, hindi ko inaasa sa kanila ang aking kaligayahan dahil alam kong, at one point or another, they may disappoint me and vice versa. I know for a fact that I have to find my own happiness to be able to share the overflow of it with my family, friends, community, and eventually to my potential lifetime partner.

Heto ang equation kung isa-summarize ang pananaw ko for a “love match” relationship:

Readiness + Right Girl + Right Time + Right Place 

Kung may kulang na isa man dito, tingin ko’y hindi magsisimula ng tama ang isang relasyon at malamang sa alamang, hindi rin ito matapos ng maayos. Dito papasok yung nabanggit ko sa itaas na: “It matters that we not only start right but that we continue doing the right thing until we finish well and strong.” Napag-alaman ko rin na dapat pati yung babae ay ready nang pumasok sa relasyon kung i-initiate man ito ng lalaki.

Tapos na ako sa panahon ng pagmamadali. Dahil sa pagmamadali, kumatok na rin ako sa ilang pintuan ng puso at hindi ako napag-buksan. Nakakasawa din namang magmahal nang walang kapalit. Napapagod din ang puso ko at kelangan nito ng kapahingahan sa paghahanap ng matutuluyan…ng katuwang sa buhay. [Sobrang cheesy!]

Mukhang marami pa akong dapat na matutunan at maranasan bago ako magkaroon ng makakatuluyan. In the meantime, I will continue to pray, plan and prepare (3 Ps’) for whatever eventuality I will arrive at for the “next level” of my life.

I firmly believe that “He has made everything beautiful in its time…” (Eccl 3:11a) and right now, I’m just basking in His love, asking Him to help me see myself the way He sees me and to make me secure while content in His love…the greatest love of all.

-This post was first posted in my Facebook last December 26, 2009-

Advertisements

6 thoughts on “Bakit Single Ka Pa Rin? / Part 3: This Is It!

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s