Category: Books
Genre: Philippine Fiction
Author: Bob Ong
Publisher: Visual Print Enterprise
Page Quantity: 98 Pages

macarthur

Kung titingnan mo ang harap na pabalat ng MACARTHUR, iisipin mong may pagka-action-packed, Rambo-type ang tema nya. Sa back cover naman, iisipin mong may pagka-adik sa ka-kwelahan ang atake ng manunulat dito. Yun din ang akala ko nung una pero nagkamali ako. Big time. Kasi may pagka-seryoso ang paglalahad nito, konti lang ang nakakatuwang parte. Sa loob ng back cover, yung note na: “The author’s proceeds will go to Gawad Kalinga…” ay nagpapatunay na sa kabila ng mga kumakalat na mis-information at wrong impression ng mga tao tungkol sa tunay na pagkatao ng may akda, siguradong may ginintuang puso din sya.

Ito ang isang malaking pagkakamaling ikinatuwa ko naman at hindi ko pinagsisihan na mabasa ang librong ito. Dito mas lalo ko pang nakilala ang artistikong kumbinasyon ng kababawan at kalaliman ni Bob Ong bilang manunulat. Tunay na kahanga-hanga!

Ang nobelang ito [mas akma nga yatang tawaging “maikling kwento”] ay tungkol sa samu’t saring buhay, kadalasa’y malungkot, minsan pa’y kahindik-hindik at ang ilan pa nga’y na kwento ng mga magkakaibigang sina Cyrus, Noel, Voltron at Jim na taga-squatters area. [Kaya pala kulay pula’t itim ang pabalat nito.]

Sa isang banda, masasabi ring “action-packed” rin sya dahil sa maraming eksena ng habulan. May pagka-Rambo type din naman kasi maraming “usi” na nabanggit sa kwento [Hehe!] at palaban sa buhay ang mga piling tauhan dito.

Sa makatotohanang pagku-kwento kung saan nagkalat ang mga mura, salitang kalyeng ngayon ko lang nabasa gaya ng: “abnormalites” at “bogaloids” gayundin ng mahusay na paraan ng pagkakalarawan ng awtor sa paligid at mga tao dito, maiisip mong malapit sa puso nya at talagang tunay na buhay (gayunma’t malayo sa “ideal”) ang mga nabanggit.

May mga puntong parang maapektuhan ka sa nangyayari sa istorya: gaya nung ebak na hindi lumubog-lubog sa kabila ng ilang buhos at ilang trahedyang kagimbal-gimbal. Sa bandang ¾ ng kwento magkakaroon ng kahulugan ang kaugnayan ng mga buhay ng mga pangunahing tauhan ngunit tila dagli ring matatapos ito sa huli kaya bitin ang dating.

Sa kabila nito, isa itong epektibong kwento na lantay man ng trahedya at twists, gigisingin nito ang iyong kaisipan at damdamin patungo sa pagbabago na pinapahiwatig ng katapusan.

Isang magandang mensahe nito sa’kin: hindi mo alam kung kelan ka kukunin ni Lord kaya UMAYOS KA!!! At i-enjoy ang bawat sandaling lumilipas kasama ng mga mahal mo sa buhay– kaibigan man o pamilya.

Iiwan ko sa inyo ang pinaka-paboritong parte ko, sa page 93:

“Bumagsak sa sahig si Mang Justo. Sabog ang bungo, butas ang katawan, walang buhay. Baha sa dugo ang maliit na bahay. Sa paligid ang mga taong nagising, nakiki-usyoso, at di alam ang gagawin. Sa banig si Cyrus, nanginginig hawak pa rin ang baril. Sa pintuan, si Noel hawak ang supot ng mga gamot; tulala sa inabutang bangkay ng matandang kaibigan. Sa kalangitan, ang mga nagliparang pangako ng hinaharap, dahan-dahang hinahangin, kasama ang mga nasayang na pangarap, papunta sa walang hanggang kawalan.”

P.S. 1: Salamat uli kay Faye Aguilar sa pagpapahiram ng librong ito.
P.S. 2: [Hindi yung playstation.] Hwag akong tularan. Bumili ng librong ito para sa Gawad Kalinga.
P.S. 3: [Oh, ha? Kaya nyo ‘to?] Ang ma-intrigang tanong ng marami: Bakit “MACARTHUR” ang pamagat ng aklat? Alamin nyo na lang. Wehehe!

Advertisements

10 thoughts on “Book Review: Bob Ong’s “MACARTHUR”

  1. nabasa ko din ito…hahaha…naiyak ako nung nakitang patay yung isa nilang barkda sa ilog..huhuhuhu…

    Nangangapitbahay at nanggagalugad ng bahay. 🙂

    Like

    1. theworshipwarriorbride – Salamat sa pagbasa at pag-iwan ng komento. 🙂

      Naapektuhan ka pala masyado nung binasa mo. =P Ano pa kaya kung nanunuod ka sa TV or sa sine ng nakakaiyak na palabas. Hahaha!

      Like

  2. astiqin Unq kwento …

    Salamat kay amver villanueva kse pinahiram nya saken unq libro anq astiq nunq nabasa qoe nunq una naka2tamad basahin pero nunq mabasa qoe anq saya
    paranq na pa2nood nio kc anq ganda nq paq ka2sulat..

    Like

  3. Bob ong’s book is quite commendable, kasi nadadala a sa takbo ng kwento, na kahit di mo naranasan ang eksaktong ganun, you feel somewhat “nakakarelate”.. mapapangiti ka na lang kasi, you understood the senaryo, alam mong nangyayari yun sa totoong buhay, kahit mukha talagang exagerrated ang ilang pangyayari sa kwento

    Like

  4. I.Pamagat ng Akda
    MACARTHUR

    II.May Akda
    BOB ONG

    III.Mga Tauhan
    Noel
    Dating mayaman ang pamilya nila ngunit nalugi ang kanilang negosyo. Una siyang nagpakita habang naguusap sina Cyrus, Voltron at Jim. Isang tipikal na college student na tumigil sa pag-aaral dahil hindi makabayad sa test paper. Pagkatapos ng away nila ng kanyang kapatid na si Lyla na isang nursing student, siya ay pinalayas ng kanyang ama at tinawag siyang walang kwenta. Naging magkaibigan sila ng amain ni Cyrus na si mang Justo na kalaunan ay nabaril ng kanyang apo na si Cyrus dahil napagkamalang halimaw. Sa huli siya ay umuwi sakanila kahit walang kasiguraduhan na muli siyang tatanggapin ng kanyang pamilya.

    Cyrus
    Siya ang pinaka bata sa grupo. Isang magnanakaw, at sinusubo ang kanyang mga ninakaw upang hindi makasuhan ng kanyang mga ninanakawan. Kasama niya ang kanyang amain na si mang Justo na nagkasakit sa bato at noperahan, ibinigay niya ang isa niyang bato upang masalba ang buhay ng mahal niyang lolo, ngunit dahil lulong sa droga napatay niya ang kanyang amain matapos bangungutin.

    Voltron
    Kilala siya sa kwento bilang Denver o Amadeus. Siya ang panganaya sa lima niyang kapatid na sina Stephen, Brooke, Joshua, Kurt at Gwyneth. Isang lalaking maumbok ang dibdib, maliit na ulo at malaking kamay at paa, mukang robot na kapag nagsasalita ay nagpapa-ulan ng laway. Siya ay pinugutan ng ulo ng isang gangster.

    Jim
    Dalawampu’t tatlong taong gulang, pinakamatanda sa grupo. May malaking katawan na sapat para bumuhat ng isang sakong bigas, at maliit na utak na sapat lang para humawak ng foil sa ibabaw ng apoy na tumutunaw sa mga bato. Mayroon siyang asawa at anak na napilitang umuwi sa kanilang probinsya dahil sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

    IV. BUOD
    Ito ay isang kwento tungkol sa buhay ng apat na magkakabarkada na may iba’t ibang klase ng buhay ngunit pare-parehas ng napagkakasunduan, at ito ang pagbibisyo.
    Nagsimula ang kwentong ito sa isang malapelikulang habulan, takbuhan dahil hinahabol ang isang magnanakaw ng kwintas, at ito ay si Cyrus. Mabilis siyang tumakbo ngunit nahuli padin siya ni Topak, isang pulis na mangagantso. Bago pa siya mahuli nito, isinubo na nya ang kwintas upang walang makitang ebidensya at para hindi siya makulong, ngunit alam ni Topak ang kanyang diskarte, kaya sa tuwing inilalabas na nya ang kanyang nanakaw pinapalinisan ito sakanya at kukuhain naman ni Topak upang ipagbili. Ito nadin ang pampyansa niya at ang dahilan kung bakit hindi siya nakukulong.
    Si Noel na isang tipikal na college student na tumigil sa pag-aaral dahil sa barkada at bisyo. Walang ibang ginawa kundi matulog maghapon. Isang Hapon pagkagising niya, nagsimula agad ang kanyang araw ng pakikipag-away sa kanyang kapatid na si Lysa, isang nursing student. Pinagbibintangan niya ang kanyang kapatid na kumuha ng stethoscope niya ngunit kahit alam ng kanyang ina na walang ibang kukuha nito kundi si Noel, pinapaniwala padin niya ang sarili niya na walang ginagawang masama ang kanyang anak. Sisishin lang niya ang mga tao sa paligid at ang pagkaburara ni Lysa upang hindi madiin na si Noel talaga ang kumuha. Ganoon na lamang lagi sa tuwing nawawalan sila ng gamit o pera sa bahay.
    Si Cyrus, hindi siya natatakot magnakaw at mahuli ng pulis. Isa lang ang kinatatakutan niya, ang isang itim na pusa na may nanlilisik na maga mata na laging nakatambay sa kanilang bahay tuwing hapon, siya ay nakatira kasama ang kanyang Lolo na tinuturing niyang ama na si mang Justo. Isang barber setenta anyos na, nagtratrabaho padin kahit sakitin.
    Si Voltron naman, panganay sa anim na anak ng kanyang balong ina, mahilig dumiskarte upang makaraos sa araw-araw. Tinatawag siyang “Amadeos” ng kanyang mga kaibigan dahil ito ang kanyang tattoo. Isang araw, maaga nambulahaw sa kanyang mga kaibigan upang pambili ng gatas ng kanyang bunsong kapatid ngunit wala siyang nahiraman, hanggang sa nakita siya ni Edwin na kilalang hoodlum alam niyang nangnangailangan ng pera si Voltron kaya inalok niya ito, hindi siya makatingin ng diretso dahil kinatatakutan niya ang bagay na maaring mangyari at hangga’t maari ay iniiwasan niya ito.

    Isang araw, kumatok si Jim kila Noel upang pagbentahan ito ng mga gamit ngunit walang pera si Noel kaya umuwi si Jim na kapos palad. Nadatnan niya ang kanyang asawa na nakabihis habang nagpapakain ng kanilang anak na may sakit. Balak niyang umuwi sa bicol kasama ang kanyang anak dahil alam niyang mas magiging maayos ang buhay nila doon, ngayong buntis pa siya ngunit hindi iyon gusto ni Jim.
    Nakapag-isip ang magtrotropa na magabago ngunit sa tingin nila ay walang kapag-a pag-asa. Naisip ni Jim na magnegosyo silang magkakaibigan. Seryoso siya sa kanyang sinabi kaya ginawa nila iyon. Nagpaluwal ng capital si Voltron at kumita naman sila ngunit naabutan sila ng raid, kahit ganoon nabawi naman nila ang kanilang kapital kaya hindi sila umuwing luhaan.
    Umuwing lasing si Noel galling kina Voltron. Walang nagbago, nag-away na naman sila ng kanyang kapatid na si Lysa. Walang pakealam ang kanyang tatay kapag nag-aaway sila dahil ayaw na din niyang mangunsume dahil pagod sa trabaho, ngunirt noong araw na iyon ay iba. Pinalayas niya si Noel dahil wala siyang kwentang tao. Nakituloy siya kila Cyrus na noon ay may dalang baril pambayad upa na itinago naman ni Cyrus sa ilalim na kanyang unan.
    Noon ay matindi na ang sakit ni mang Justo kaya dinala agad nila Noel sa ospital. Malala na ang kanyang sakit sa bato at kailangan ng idialysis o kaya naman ay palitan ang kanyang kidney. Isang araw, pumunta si Noel sa ospital at nagmamadaling tinawag sina Cyrus at Jim na noon ay nagbabantay kay mang Justo. Kagimbal-gimbal ang kanilang naabutan sa may tulay. Habang inaangat ang isang bangkay ng lalaking pugot ang ulo ay nakita nila ang tattoo sa braso na “AMADEOS” isang tao lang ang kilala nilang may ganoong tattoo, ito ay si Voltron. Wala silang nagawa kundi akayin ang naghihinagpis niyang ina papalayo sa bangkay.
    Wala ng oras para walang gawin si Cyrus para sa kanyang amain, todo kayod. Nakaw, takbo! Ngunit dipadin siya makatakas sa pulis na si Topak. Nakapagnakaw siya ng mga alahas, kwintas, relo at droga para maisagawa na ang operasyon ni mang Justo. Ibibigay niya ang kanyang isang kidney sa kanyang amain. Natapos ang operasyon at nagtagumpay. Nakauwi na sila at may dala pang blood pressure apparatus na galling ka katabing pasyente. Nagbawi agad ng lakas si mang Justo upang makapag hanap buhay ulit. Isang gabi, masayang nagkwekwentuhan sila ni Noel tungkol sa mga bagay bagay na di niya akalaing makakapagpabago ng kanyang pananaw sa buhay, habang ntutulog si Cyrus dahil lobat na naman matapos makabatak. Pinabili ni mang Justo si Noel ng gamot. Habang wala si Noel, binabangungot naman si Cyrus tungkol sa isang halimaw na kanyang sobrang kinatatakutan, dahil doon, siya ay bumangon at nahugot ang baril na kanyang naitago sa ilalim ng unan at pinagpuputok ito sq halimaw na kanyang kaharap, ngunit ang halimaw na iyon ay si mang Justo. Pagbalik ni Noel, ang sabog na bungo at malamig na bangkay na lamang ni mang Justo ang kanyang nadatnan. Pasikat pa lang ang araw ng makauwi siya galling prisinto nagpaalam si Jim sakanya. Mangilid ang luha na nakatulala sa kawalan, tumakbo siya pauwi ng kanilang bahay. Walang kaibigan, walang pamilya, hindi alam ni Noel kung nasaan ang mundo niya. Bagamat may ilang, narinig niya ang boses ng kanyang ama na muling tumanggap sakanya.

    V. PAGSUSURI
    Sa unang pahina aakalain mong nagbabasa ka ng isang umaatikabong action scene. “Magnanakaw!” sigaw nung ale.
    Si Voltron, Cyrus. Jim at Noel kwento ito ng apat na magkakaibang may sariling paraan para mabuhay, ngunit iisa lang ang daloy ng mga ilong pag naka.singhot na. Oo, Adik sila.

    Si Voltron, isa siyang robot. Hindi pala, asal robot lang. Si Jim, may asawa, may anak, Buy n’ Sell ng grupo at snatcher. Si Cyrus, isang snatcher din, nakatira sa lolo niya na tinatawag niyang tatay at si Noel, lulong sa bisyo kaya pati gamit ng kapatid nanakawin, makahithit lang. Sabawat tama ng bato sa kanila. Bawait isa sa kanila may sariling mundo na.

    Masasabi kong may kakaibang kwela at hitik sa istorya ang hatid ng libro ni Bob Ong. Ngunit para sakin naiiba ang Macarthur sa mga gawa nya, kwento ng buhay ng mga adik na pilit magbago, ngunit di nila maiiwasan ang nakakapasong mga tingin ng iban pang nakapaligid sa totoong mundo.

    Pangkariniwang istorya tungkol sa buhay ng tao. Kwento ng Police na magnanakaw din, kwento ng congressman na hinahabol dahil nagnakaw ng alahas, mga kwento ng nadudurog na tae, pusang itim na nagiging halimaw sa mga bangungot at mga kwento ng mga taong kapit sa patalim. Sa bawat basa ko ng librong to, naisip ko kung ano ang nangyayari sa mga taong lulong sa bisyo, drugs kumabaga, o iba pa, at kung ano ang kahihinatnan nila at kung ano ang tingin ng lipunan sa kanila.

    Kakaibang aral, mula sa totoong kwento ng tao at ang realidad di na dapat sila nilalayuan, lapitan para tulungan. Kung di mo naman maiintindahan ang taong gaya nila isa kang BOGALOIDS! di mo parin gets? ABNORMALITES!
    A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

    Paano tumatakbo ang kanilang buhay?
    Paano nila hinaharap ang kanilang mga problema?
    Sa paanong paraan nila ito sinolusyonan?

    B. MGA MASAMANG GAWAIN

    Ang nobelang ito ay umiikot sa apat na magkakabarkada na may iba’t ibang klase ng buhay. May kanya kanyang suliranin ngunit nagdadamayan at magkakasama padin sa hirap o ginhawa. Oo mali ang ginagawa nila na pagbibisyo, dahil akala nila iyon na lamang ang sagot sa kanilang mga problema. Si Noel na sinayang ang pagpapaaral ng kanyang mga magulang sa kolehiyo at nagbisyo. Si Cyrus na magnanakaw at ulila, na ang kanyang amain na lamang ang kasama sa buhay na nagkasakit ng malubha kaya walang ibang nagging paraan kundi magnakaw. Si Jim na may asawa’t anak, may malaking katawan ngunit maliit ang utak para magbisyo kasama ang mga kaibigan. Iligal na kuryente, tubig at cable, walang maipampagamot sa may sakit na anak kaya naisipan ng asawa niya na umuwi ng Bicol. At si Voltron naman na panganay sa anim na anak ng kanyang balong ina na ginagawa lahat ng paraan kahit iligal at delikado upang makaraos sa buhay at may maipampagatas sa bunso nilang kapatid kahit ang naging kapalit pa nito ay buhay nya.

    C. SOLUSYON SA PROBLEMA

    Napalayas si Noel sa kanilang bahay dahil sa pag-aaway nila ng kanyang kapatid na si Lysa isang nursing student na sisnisisi siya sa pagkawala ng kanyang stethoscope. Sa huli umuwi si Noel na may dalang blood pressure apparatus upang makabawi sa kanyang kapatid.
    Si cyrus na may sakit na amain ay gumawa ng paraan upang maipagamot ang kanyang lolo. Ibinigay niya ang kanyang isang kidney sa kanyang lolo. Ngunit sa masamang pagkakataon ay napatay niya ito gamit ang baril sa ilalim ng kanyang unan sa pagaakalang siya ay isang halimaw sa kanyang bangungot.
    Si Jim na isang buy and sell, magnanakaw at iligal na nakikikabit ng kuryente at tubig ay may anak na may sakit at buntis na asawa. Walang ibang paraan kundi ang pag uwi nila sa probinsya sa pamilya ng kanyang asawa.
    Si Voltron na mangungutang sana sa mga kaibigan upang pampagatas ng kanyang bunsong kapatid ay nauwi sa pagtratrabaho sa isang hoodlum at napugutan ng ulo.

    VI. ARAL
    Ang aking natutunan sa nobelang ito ay madami. Kahit puro bisyo at masasamang gawaing ang nakapaloob dito, ito ang realidad ng buhay. May mga kabataan na nalulong sa bisyo, tumitigil ng pag-aaral, nababarkada, nakakagawa ng masama, nagnanakaw at kung ano-ano pa. Isang komedy, madrama, maaksyon, makatotohanan ang nakapaloob sa manipis na aklat na ito ni Bob Ong. Isang di matatawarang pagsasamahan ng magbabarkada sa hirap o ginhawa.
    Noong una, akala ko makasaysayan ang librong ito dahil sa kanyang pamagat, ngunit nagkamali ako ng sinimulan kong buklatin at basahin ang bawat pahinang nakapaloob dito. Dito ko napatunayan ang kasabihang “DON’T JUDGE A BOOK BY IT’S COVER”. Saka ko lamang naintindihan ng matapos ko itong mabasa kung bakit ganoon ang pamagat, dahil sa kabila ng lahat ay nagbalik si Noel sa kanyang pamilya matapos umalis. Sa pag alis ni Noel sa kanilang bahay ay marami siyang natutunan tungkol sa buhay, sa mga tao sa paligid at higit sa lahat sa kanyang mga kaibigan, lalo na kay mang Justo. Natutunan niyang makiramay, tumulong at nakita niya na hindi talaga madali ang buhay.
    Ang pagbasa ng libro ay parang pagbasa sa isang tao, hindi mo lubos mauunawaan ang dahilan ng kanyang mga ikinikilos o ugali kung hindi mo siya kikilalanin. Huwag tayong humusga ng isang tao kung hindi natin alam ang dahilan. Minsan kung wala na talagang ibang paraan, kahit masama nagagawa natin.
    Ang aking natutunan ay, pahalagahan mo ang buhay mo. Pahalagahan mo ang oras. Pahalagahan mo ang mga tao sa paligid mo. Pahalagahan mo ang mga desisyon na ginagawa mo. Kung may pangarap ka, abutin mo! Huwag kang tumigil dahil kakayanin mo kahit mahirap basta gusto mo. Hindi natin maiiwasang makapagdesisyon ng mali sa ating buhay na pwede nating pagsisihan sa huli, ngunit huwag na nating hantayin kapag huli na ang lahat. Kung alam mong may dapat kang baguhin, baguhin mo na. Kung alam mong may dapat kang gawin, gawin mo na. Maikli lang ang ating buhay. Huwag nating sayangin. Ipinagkaloob ito ng maykapal. May kalayaan tayong gawin ang gusto natin, ngunit nasa satin na iyon kung gagwin ba natin ang tama o mali.

    Like

  5. Ang aking natutunan sa nobelang ito ay madami. Kahit puro bisyo at masasamang gawaing ang nakapaloob dito, ito ang realidad ng buhay. May mga kabataan na nalulong sa bisyo, tumitigil ng pag-aaral, nababarkada, nakakagawa ng masama, nagnanakaw at kung ano-ano pa. Isang komedy, madrama, maaksyon, makatotohanan ang nakapaloob sa manipis na aklat na ito ni Bob Ong. Isang di matatawarang pagsasamahan ng magbabarkada sa hirap o ginhawa.
    Noong una, akala ko makasaysayan ang librong ito dahil sa kanyang pamagat, ngunit nagkamali ako ng sinimulan kong buklatin at basahin ang bawat pahinang nakapaloob dito. Dito ko napatunayan ang kasabihang “DON’T JUDGE A BOOK BY IT’S COVER”. Saka ko lamang naintindihan ng matapos ko itong mabasa kung bakit ganoon ang pamagat, dahil sa kabila ng lahat ay nagbalik si Noel sa kanyang pamilya matapos umalis. Sa pag alis ni Noel sa kanilang bahay ay marami siyang natutunan tungkol sa buhay, sa mga tao sa paligid at higit sa lahat sa kanyang mga kaibigan, lalo na kay mang Justo. Natutunan niyang makiramay, tumulong at nakita niya na hindi talaga madali ang buhay.
    Ang pagbasa ng libro ay parang pagbasa sa isang tao, hindi mo lubos mauunawaan ang dahilan ng kanyang mga ikinikilos o ugali kung hindi mo siya kikilalanin. Huwag tayong humusga ng isang tao kung hindi natin alam ang dahilan. Minsan kung wala na talagang ibang paraan, kahit masama nagagawa natin.
    Ang aking natutunan ay, pahalagahan mo ang buhay mo. Pahalagahan mo ang oras. Pahalagahan mo ang mga tao sa paligid mo. Pahalagahan mo ang mga desisyon na ginagawa mo. Kung may pangarap ka, abutin mo! Huwag kang tumigil dahil kakayanin mo kahit mahirap basta gusto mo. Hindi natin maiiwasang makapagdesisyon ng mali sa ating buhay na pwede nating pagsisihan sa huli, ngunit huwag na nating hantayin kapag huli na ang lahat. Kung alam mong may dapat kang baguhin, baguhin mo na. Kung alam mong may dapat kang gawin, gawin mo na. Maikli lang ang ating buhay. Huwag nating sayangin. Ipinagkaloob ito ng maykapal. May kalayaan tayong gawin ang gusto natin, ngunit nasa satin na iyon kung gagwin ba natin ang tama o mali.

    Liked by 1 person

  6. Bob Ong, YOUR THe MAN! 😃😃😃😃 Sana may latest ka pa isusulat na akda. I am starting to be your fan because of your style in writing.
    Ma-kwela pero may laman.

    Liked by 1 person

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s