Katha Ni: Adrian Diente Pantonial

Maraming nagpupuno
ngunit laging kulang pa rin.
Maraming dumarating
ngunit nagdaraan lang, lumilisan din.
Laging may nagnanasa
dahil langit itong abot-tanaw lang.
Ngunit kahit anong pilit maabot
di kayang dumating sa walang hanggan—
kahit subuking arukin ng sinuman.

Minsa’y nag-aalab at nagsisimbuyo.
Minsa’y sing-tingkad ng pulang dugo.
Minsa’y nagtatagal ngunit
kay hirap manatili.
Sa tuwing nadadarang
anong hirap ikubli.
Sa tuwing nasisilayan
ng araw ng bagong umaga,
nagbabaga, umaapaw—
ang damdami’y anong sigla.

Anyayahan ang talang sumilay.
Kulayan ng bahag-hari ang walang buhay.
Kapag nasilip ang kinang nito sa hangin,
bakit di subuking hagkan at angkinin—
Ang liwayway ng bukas na darating
may dalang lunas sa sugat na nasaling
at di magtatagal ay hihilom din;
kahit anong sakit, kakayaning tiisin
sa tuwing sasapit ang gabing nag-aabang,
ang pagmamahal—kahit anong tindi—
bakit laging kulang?


Advertisements

One thought on “Kulang

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s