“Bata ka pa!” Marahil yan ang nasa isip ng mga matatandang kapwa ko kuma-kandidato bilang opisyales para sa aming komunidad nung Sabado (ika-27 ng Septyembre 2008) habang nagsa-salita ako sa naunsyaming Miting de Avanse namin.  

Kaunti lang kasi ang taong dumating dahil hindi nag-anunsyo ang COMELEC namin sa village nung araw na iyon para sa event na ito kinagabihan. Tuloy, yung isang kuma-kandidatong Presidente ay nagpo-protesta na wag nang ituloy ang presentasyon ng mga kandidato.

Zonta Logo

Ang tagal na niyang nakikipag-usap sa ilang COMELEC officials kasama ang aming Presidente sa partido kaya napag-pasyahan kong makialam dahil pasado alas-nuebe na ng gabi ay wala pa ring nangyayari. Nai-mungkahi ko na tipunin ang lahat ng mga kandidato at mag-botohan kung itutuloy ba o hindi ang Miting de Avanse. Nagwagi ang mga pabor sa hindi pagtuloy nito.

Sa madalas kong pag-sawsaw at pangunguna sa pagbibigay ng aking opinyon sa mga usapin nung gabing iyon, tila kumalat yata ang balita sa karamihan ng aking mga kapit-bahay dahil yung mga dating hindi naman bumabati sa’kin sa neighborhood ay biglang binabati na ako ngayon. Feeling sikat tuloy ako–pero sana maganda ang feedback nila sa’kin gaya ng aking inaasahan.

Palibhasa lahat ng kasama sa partido namin ay dating mga sponsored child ng mga poster parent mula sa ibang bansa sa ilalim ng pamamahala ng Zonta-Christian Children’s Fund, tingin nila sa’min ay mga bata pa rin kahit na mahigit isang dekada na ang nakalilipas mula ng magtapos ang programang financial aid para sa mga less-fortunate but deserving youth.

Ang komunidad kasi namin ay dating pinamumunuan ng mga magulang ng mga sponsored children. Dahil sa dami ng aligasgas at katiwalian sa pamumuno, napagka-isahan naming makilahok sa katatapos lamang na eleksyon upang maging instrumento sana ng positibong pagbabago sa aming kinalakihang komunidad…ang Zontaville.

Saan ka ba nakakita ng Chairman of the Board na pinagbo-botohan ng mga botante at hindi ng mga Board Members??? Dito lang po yan sa komunidad namin. Isang malaking kahangalan ng COMELEC ang patuluyin sa pagtakbo ang nag-i-isang independent candidate para sa posisyon na yan!

Habang isinusulat ko ito, hindi pa naa-anunsyo kung sino ang mga nagwagi sa halalan pero hindi na iyon masyadong mahalaga sa aming partido dahil sa dami ng mga iregularidad at kabuktutan sa proseso ng eleksyon, napag-kaisahan namin na kung sino man ang malu-luklok sa grupo ay magre-resign sa posisyon at itutuloy na lang ang aming mga plataporma sa ilalim ng aming sariling organisasyon—ang Zonta-Child Officers.

Gusto naming patunayan na hindi na kami bata at may magagawa kaming tulong para sa aming komunidad na naghihikahos sa buhay, nangungulila sa matinong pamumuno at nangangailangan ng sigla dala ng mga bago at produktibong proyekto para sa aming neighborhood association.

Hindi pa tapos ang laban…

Masarap maging bata kasi wala kang masyadong aalalahanin sa buhay. Umiikot ang mundo mo sa halos apat lang na gawain: kain, tulog, laro, eskwela. Araw-araw paulit-ulit lang iyon. Kung mayron mang problema, minsan di naman masyadong kalakihan at madalas hindi sabay-sabay. Kadalasan din nung bata pa tayo, may ibang taong responsable sa pag-resolba ng mga problemang iyon. Pero ngayong malaki na tayo, inaasahan ng mundo na nag-mature na tayo kasabay ng pag-mature ng ating pisikal na katawan. Madaling tumanda pero hindi pala madaling umastang matanda. Madaling maging tao o gumawa ng tao pero mahirap magpaka-tao.

Nung bata pa ako ay nagmamadali akong lumaki para makatulong sa pamilya ko. Napagtanto ko sa aking pag-laki na bihira lang ang magagandang bagay sa buhay na hindi pinaghi-hirapan. Karamihan dito ay pinagsi-sikapan, ipinaglalaban, pinu-protektahan.

Kaya naman kung ano ako ngayon–at kung sino ang Adrian na nakilala ng aking mga kapit-bahay sa ilang araw ng pangangampanya at eleksyon—bunga lahat ng aking pagsu-sumikap na “magpakatao.”

Kaalinsabay ng aking pag-laking pisikal ay ang aking pag-laki ko sa dimensyong: espiritwal, emosyonal, intelektwal at sosyal (pakikipag-kapwa) na bunga ng paninindigan at pagpapahalaga sa “constant improvement” at pagiging “life-long learner.” Sa dami rin ng mga naranasan kong pang-a-agrabyado, natutunan kong ipaglaban ang aking karapatan hanggang sa dulo ng limitasyon nito.

Hindi natatapos sa eleksyon ang laban ng buhay ko. Matalo o manalo man, ang importante ay lumaban ako para sa katwiran at kabutihan. Dalawampu’t syam na taong gulang na ako ngayon. Dalawampu’t syam na taong punong-puno ng alaala, magkahalong tagumpay at pagkabigo, pagkatuto at patuloy pang pakikibaka kasi…hindi na ako bata.

-First posted at my Multiply, Sept 29, 2008

Advertisements

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s