Ni: Adrian Pantonial

“Inay” ang term of endearment namin sa kanya sa tuwing nagkaka-biruan kami kasama ng mga kapatid ko. Pero sa karaniwang mga araw, “Nanay” ang tawag namin sa kanya.

Binabalak kong isulat ang kwento nya isa sa mga araw na ito pero sa tuwing tinutuloy ko ang kwentong-buhay nya na sinimulan ko nung nakaraang buwan, laging napapa-tigil ako kasi napaka-lungkot at kumplikado nito. Ang paggawa nito ay parang pagbabalik-tanaw sa ilang mga di magandang karanasan nya sa buhay gayundin sa aming pamilya. Sa ngayon ito lang muna ang pwede kong ibahagi… 

Ika-29 ng Hulyo 2008: Nag-emergency leave ako mula sa trabaho para masamahan si Inay sa kanyang pangalawang booster session sa St. Luke’s Medical Hospital matapos ang kanyang chemotherapy nung nakaraang linggo para sa kanyang breast cancer.

Natuwa ako nung makilala ko si Dra. Charity Gorospe, ang kanyang oncologist dahil malambing sya kay Inay at parang alagang-alaga sya nito. Madalas kong ka-text si Dra. Gorospe para sa mga katanungan ko tungkol kay Inay. Kahit madalas late, nagti-text back naman sya sa’kin. Syempre sobrang busy rin sya sa ospital.

Matapos ang kanyang 15-min booster, nagpunta kami sa Corridor Of Hope, 4th/Flr ng Cancer Insitute. Isang sangay ng ospital na nagbibigay ng mga seminar talks para sa mga cancer patients and survivors. Nasiyahan ako sa maalab at magiliw na pagtanggap sa’min ni Ms. Reggie Legaspi, ang Reception Manager ng departamentong iyon. Binigyan pa nila kami ng free hot chocolate and coffee with matching Chips A-hoy cookies and Skyflakes courtesy of Kaye, ang kasama nya sa opisinang iyon. Gayundin ng mga babasahin tungkol sa chemotherapy and breast cancer. Binigyan din nya ng ilang impormasyon si Inay tungkol sa kung paanong dapat harapin ang kanyang karamdaman. Malaking bagay daw dito ang pagkakaroon ng positive attitude and faith, bukod sa balanced diet at pagpapatuloy ng chemo sessions.

Masayahin syang tao at hindi halata ang kanyang edad sa kanyang mukha. Twenty years na pala syang nagta-trabaho sa St. Luke’s at marami na syang napagdaanang job assignment doon. Nakapag-kwento rin sya sa’kin ng tungkol sa kanyang makulay na buhay at sa kabila ng mga pagsubok na dinaanan nya, nananatili syang matatag at maganda ang pananaw sa buhay. Tama yung sinabi nyang pagkakaroon ng positive attitude and faith dahil halata kong sinasa-buhay nya iyon. Umalis kami ng ospital ng maganda ang pakiramdam dahil sa mga natutunan at nakahalubilo naming tao.

Mas maganda na ang pakiramdam ni Nanay ngayon kumpara sa dati bago sya nag-desisyong pumayag na magpa-chemo at later on, magpa-opera rin. Kahit na may mga hindi maganda syang nararamdaman sa kanyang katawan, tinuturing nya ito bilang magandang epekto ng gamot dahil lumiliit naman ang lump sa kanyang dibdib matapos nito. Nalalagas na rin ang kanyang pinagkaka-ingatang mahabang buhok kaya pinag-pasyahan nya ring ipa-shave na ito. Sobrang nangayayat din sya dahil siguro sa kombinasyon ng epekto ng gamot at kanyang labis na pag-aalala sa kanyang sakit.

Malakas na ang loob ni Inay bagamat may mga pagkakataon pa ring hindi ito sapat upang patuloy syang maging masigla physically. Pinatatag sya ng kanyang pananampalataya sa Diyos kasama ng aming buong pamilya. Nawa’y tuluyan syang gumaling sa kanyang karamdaman.

Kabilang ang araw na ito sa mga hindi ko malilimutang araw kapiling si Inay.

-First posted in Multiply July 30, 2008

Advertisements

One thought on “Isang Araw Kapiling Si Inay

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s