By Adrian Pantonial 

—First posted at my Multiply, February 8, 2008—

Matapos kong basahin ang ilang mga likha ng batikang manunulat na si Eli Rueda Guieb na ngayon ay contact ko na rin sa Multiply–muli ay umusbong sa aking kaibuturan na buhayin ang aking interes na sumulat sa wikang Tagalog. Heto po ang resulta…

Mahirap talagang kalimutan ang nakaraan.

Yan ang isa sa aming mga napag-usapan nina Gina at Mike (mga ka-officemate ko sa Shell) minsan isang gabi pauwi mula sa trabaho, lulan ng MRT mula Buendia patungong Cubao. Sabi ko nga sa kanila, minsan kapag nakakaisip tayo ng mga masasamang alaala mula sa nakaraan parang nararamdaman uli natin ang mga emosyon na andun dati nung naroon pa tayo sa sitwasyon—mga emosyon tulad ng kasiyahan, takot, galit, hinaing at mga katulad nito.

Nabanggit ko rin nung gabing yon na–kadalasan–yung mga bagay na humuhubog sa ating pagkatao ay sanhi ng mga masasakit na naranasan natin sa nakalipas. Madalas kung kelan tayo nasasaktan, dun pa lang nagsisimula ang tunay na pagbabago sa atin.

Nalulunod ako sa emosyon sa tuwing naaalala ko ang nakaraan parang napakalakas na along pilit tinatangay ako sa gitna ng kawalan. Hindi man natin imbitahan ang nakaraan ay bumabalik sa ating alaala sa mga di inaasahang sandali.

Napakahirap umusad patungong kinabukasan pag dumarating ang ganitong mga tagpo lalo na kung naka-kadena ka sa nakaraan. Tunay nga na makapangyarihan ang nakaraan sa ganitong paraan. Ngunit ang mga karanasan nating ito—mabuti man o masama—ay tumutulong sa paghubog ng ating pagkatao–sa kabutihan o kasamaan natin depende sa kung paano natin ito haharapin.

Hindi ko kayang basta na lang kalimutan ang nakaraan lalo na ang mga mapapait at masakit kong naranasan. Ang magagawa ko lang ay sikaping tanggapin ito at matuto upang makatulong sa aking bakahin ang mga suliranin ngayon at sa mga darating pang bukas.

Ang kasalukuyan ang pinakamahalang bahagi ng aking buhay at kung paano ko gagamitin ang panahon ko ngayon ang magbibigay direkson mula sa makulay na nakaraaan patungo sa mas maliwanag at higit na makulay pang kinabukasan.

Advertisements

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s