Akala ko tapos na ang ating ugnayan.
Akala ko hindi na kita kailangan.
Akala ko may kapalit ka na sa puso ko.
Akala ko wala ka na sa buhay ko.

Pero nagkamali ako…
Pagkakamaling di ko naman pinagsisisihan,
Pagkakamaling ikinatutuwa ko pa
At labis na ikinasasaya.

Mahal na mahal kita…Hindi higit sa buhay ko kundi dahil dito.
Ang totoo nyan parang ikaw ang nagdaragdag ng kulay sa’king buhay,
ng kahulugan sa’king bawat sandali,
ng kinang sa’king pagkatao,
ng saysay sa mga panahong wala nito,
ng tuwa sa tuwing kulang nito.

Hindi kita kayang tikisin.
Hindi kita kayang takasan.
Hindi kita kayang solohin.
Hindi kita kayang kalimutan.
Ayokong pigilin ka sa’yong patuloy na pagwawala.
Ayokong hayaan kang naliligaw—walang paglalagyan.

Kaya heto, patuloy kitang inaaruga, pinagyayaman,
Binubusog ng kaalaman…bawat katha’y pinaghuhusayan.
Kaya heto, makalipas ng higit sa isang makabuluhan at ma-kwentong taon,
baliw na baliw pa rin ako sa’yo, alipin ng iyong mga rason,
ng iyong mga ideyalismo, pangarap, kabiguan at pakikipaglaban.
Sana hindi lang dito matapos ang ating pagmamahalan…

Advertisements

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s