By Adrian Pantonial 

Dear F,

Kumusta ka na? 

Bumalik ako sa bahay niyo noon para sorpresahin ka sana pero ako pala ang na-sorpresa dahil lumipat na daw kayo ng bahay sabi ng kapit-bahay niyo. Ang layo pa naman ng pinanggalingan kong bundok. Whew!

Hindi ko alam kung saan ipapadala ang sulat na ito kasi hindi ko naman alam ang bago niyong address. Kaya ipino-post ko ito dito sa pagba-baka-sakaling sana’y makarating ito sa’yo kahit papaano. Kasalanan ko rin kasi sinunog ko na ang mga dating sulat mo sa’kin na may address niyo sa probinsya nung minsang mag-bakasyon ka doon at naisipan mong sulatan ako sa makulay mong stationery para mang-inggit at mangumusta na rin. Patawad dahil sinunog ko na ang mga sulat mo kasama ng mga lumang libro ko at mga kwaderno’t journal kasi bahagi iyon ng aking ritwal para sa panibagong pagsisimula sa buhay ko. Tanda ko pang hindi ko iniwang nagniningas ang apoy sa likod-bahay at siniguro ko pang ma-abo lahat sila para walang makaligtas ni-letra ng mga ito. Umasa ako na makukuhang tangayin ng hangin ang mga di-magandang alaala sa buhay ko kasama ng mga nilipad na abo doon pero nagkamali ako. Totoo ngang laging nasa huli ang pagsisisi.

Malaking tulong ka sa pagkaka-buo ng unang unpublished poetry compilation ko, ang “Access to Sanity.” Ito ang dahilan kung bakit bumalik ako sa bahay niyo dati. Ipapakita ko sana sa’yo ang finished product na personal project ko. Project pala “natin” kasi halos puro bond paper at printer ink niyo ang ginamit sa mga 85% ng kalipunang iyon ng aking mga likhang tula. Printer pala “ng kuya mo” at hindi sa “inyo” kasi siya may-ari nun. Naubos ko ba ang ink ng printer niyo nung halos linggu-linggo kong pagpunta sa dati nyong bahay? Nagalit ba sa’kin yung Kuya mong Arkitekto dahil dito kaya kayo lumipat ng bahay? O dahil ba akala niya nililigawan kita kaya nagpaka-layu-layo kayo? Kaibigan lang naman ang turingan natin sa isa’t isa noon di ba?

Naaalala ko pa nung minsang ipinagpaalam kita sa Kuya mo para i-treat kitang lumabas at manood ng sine bilang pasasalamat sa tulong mo—naka-simangot siya nun na parang aagawin kita sa kanya. Naiintindihan ko na siya ngayon kasi bunso ka (yata) sa magka-kapatid at ini-ingatan ka lang niya. Ganun din kasi akong Kuya sa mga kapatid kong mas bata sa’kin–may pagka-overprotective.

Hindi ko na maalala kung ano’ng pelikula ang pinanuod natin at kung saan natin ito pinanuod o kung English o Tagalog man ito. Basta ang naaalala ko, sa madilim na sinehan, aninag kong malapit ang mukha mo sa pisngi ko kaya naa-amoy kong medyo mabaho ang hininga mo dahil sa Mc Donald’s burger na kinain natin bago magpunta sa moviehouse. No offense meant ha?

Naaalala ko din nung minsang tina-type ko sa computer niyo ang ilang tulang gawa ko, inagaw mo ang manuscript sa’kin at umakyat ka sa second floor na hagdan ng bahay niyo habang tumatawa samantalang hinahabol kita. Naka-ngisi ka pa nung naabutan kita at kunin sa’yo ang mga papel na medyo nalukot mo na. Hindi ako galit ha?

Naaalala mo ba yung tulang ginawa ko para sa’yo? Yung may pamagat na “Halik sa Araw”?

Ngayon ko na-realize na hindi ko pala nakuha sa ritwal ng pagsunog ang mga alaalang ito kasabay ng pagkaka-sunog ko sa mga sulat mo. “The heart never forgets,” sabi nga ng ngumangawang si LeAnn Rimes na narinig ko sa radyo minsan. Ewan ko ba. Wala namang sariling utak ang puso di ba pero bakit ang tindi ng memorya nito kahit na lumipas ang maraming taon? Siguro dahil mas may panahon ako ngayong pakinggan pang lalo ang puso ko sa panibagong chapter ng buhay ko kaya naalala kita at ang mga bagay na ito.

Nagsisimula uli ako ngayon gaya ng dating-gawi kasi ganun naman talaga ang buhay: isa itong serye ng pagsisimula, pagwawakas at pagsisimulang muli habang may panahon at pagkakataon pa.

Kumusta ka na, F? Nag-asawa ka na ba at may mga anak? O may anak/mga anak na walang asawa? Walang malisya ito ha? Sorry din kung masyado akong matanong. Ang tagal kasi nating hindi nagkita.

Alam mo, hinanap nga kita sa Friendster, Multiply [ngayon sa Facebook na rin] pati Google eh pero namuti na ang mga mata ko sa kakasilip ng mga pictures na kapangalan mo at kaka-check kung apelyido mo ba ang andun. Nangawit din ang mga kamay at daliri ko sa kaka-type sa keyboard para lang sana’y makita ka man lang online pero wala pa rin. Walang malisya ito ha? Ganun talaga ako kapag walang magawa, ginagalugad ko ang kalawakan ng world wide web para maghanap ng mga dating koneksyon: mga dating kaibigan, ka-trabaho at kakilala. [Hindi totoong halos lahat ng kailangan natin ay kayang tugunan ng internet kahit pa yung ibang tao ay dito na umiikot ang mundo nila.]

Bumalik ako sa bahay niyo pero wala na pala akong babalikan kundi ang mga masasayang alaala mo at nating dalawa nung tayo’y medyo bata pa, mga alaala na pinilit ko pang talikdan kasi kakabit ito ng ilang mga mapapait na karanasan ko sa buhay. Totoo…laging nasa huli ang pagsisisi.

Sumulat lang ako para magpasalamat sa’yo: unang-una sa pagiging importanteng bahagi mo sa Access to Sanity.

Ngayon, makalipas ang maraming nagmamadaling taon, nalagpasan ko na ang stage ng paghahanap ng “access to sanity” dahil may direksyon na ang buhay ko ngayon. Dati kasi di ba? Parang halos mabaliw ako sa mga problema ng pamilya namin? Kaya nga ganun ang title ng poetry compilation ko eh. Hehe!

Ngayon, na-realize ko na hindi lang pala yung mga pinagdaanan kong unos ang tila nakakabaliw kundi mas marami pang iba. [I say, bring it on! Hehe!] Seriously, [dati pa naman akong seryoso] kahit na may mga panahong sumusuko na ako sa problema, ngayon, sa awa ng Diyos, nakaka-ahon pa rin. Nadadapa sa pagkakamali pero patuloy na bumabangon at itinutuwid ang landas. Madalas mang matalo sa ilang aspeto ng buhay pero patuloy pa ring lumalaban hanggat kaya at habang may pag-asa.

Pangalawa, maraming salamat sa iyong “friendship.” Isa ka sa mga espesyal na taong hindi ko malilimutan sa buhay ko. Yung mga panahong magkasama tayo dati ang ilan sa mga unang pagkakataon na may naniwala at sumuporta sa kakayahan ko…mga hilaw ngunit napakahalagang panahong may nag-tiyagang i-appreciate ang mga tulang gawa ko.

F, dalangin ko ang iyong kaligayahan at katagumpayan sa anumang pinili mong landas ng buhay o larangan ng bokasyon, kahit saan ka man naroroon. Kung ikaw naman ang mangailangan ng anumang tulong na kaya ko namang ibigay, ipaalam mo lang sa’kin at malugod kong ibibigay o gagawin ito ng buong puso. [Sayang, hindi pwedeng pati buong kaluluwa rin kasi hindi mo naman ma-a-appreciate yun. Haha!]

P.S. Kung nabasa mo lang ito ng di sinasadya o sa kung anumang dahilan at napadpad ka sa dakong ito ng cyberspace, mag-comment ka lang at makakarating ito sa’kin para masagot ko ang mensahe mo [kung buhay pa’ko. Ayayay! Morbid joke. Hehe!]

P.S. 2 [Hindi playstation] Happy Valentine’s Day na rin sa’yo at sa mga mahal mo sa buhay!

 

Remember Me This Way, (Ang drama ko di ba?)

Adrian Diente Pantonial

-Unang nai-blog online noong ika-11 ng Pebrero 2009

Advertisements

4 thoughts on “Sulat ng Panghihinayang

  1. I find this intruiging. Kahit hindi kita kilala personally, I felt like I wanna know who F is. This may seem like a friendly letter but I find it romantic (hahaha). Di ako masyadong nakakabisita sayo dito kasi naoverwhelm ako sa mga personal events ng life ko the past months but I am updated thru facebook naman. God bless you more Adrian!

    Here’s my new blog nga pala: http://www.mypsychobabbles.com (wala na ung dating domain)

    Like

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s