Pag-ahon

Inaawit ko ang lumang himig ng paglaya
Sa kalawakan ng aking pag-iisa.
Hinihimay ang impit kong iyak
Sa pag-ibig na puno ng lusak.
Inaanyaya ko ang hanging amihan
Na hintayin ang aking paglisan.
Kung sana’y hinog ang talulot
Ng umagang likas ng pag-asa.
Kung sana luha’y kayang ibalot
Ng sapot na liwayway ng gunita,
Di ko na kailangang matulog
Upang kahapo’y ibaon sa limot.
Dito sa mundong patuloy sa pag-inog
Sugat ng puso’y inaagiw, nilulumot.

Advertisements

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s