Katha at Mga Larawan kuha ni: Adrian Pantonial

“Minsan ating binibigyan lang pansin kung paano kinuhanan ang isang litrato at kung sino ang kumuha… minsan nalilimutan natin ang tunay na istorya ng litrato dahil mas nabibigyan ng pansin ang kasikatan ng litratista…alalahanin natin na ang mga litrato na iyon ang nagbibigay sa atin ng pangyayari na pwedeng hindi na ulit natin makita…”-Jeffrey Poblete

Bisitahin nyo at mamangha ring tulad ko:

http://jeffpoblete.multiply.com/photos/album/50/Realidad_ng_ating_Bayan?replies_read=16

Matapos kong madalaw ang photoblog na “Realidad ng ating Bayan” ni G. Jeff Poblete, na-inspire akong gumawa ng payak at walang-karapatang-ihambing-sa-orihinal-na-bersyon na halaw sa magaling na konsepto at mga likha nya. Nagsisimula pa lang akong mag-self study sa potograpiya at ang mga kuhang ito ay aking pagtatangkang i-ugnay ang aking mga nasaksihang sitwasyon sa nabanggit na photoblog.

Kuha ng aking abang SONY DSC W150 noong Sabado, ika-27 ng Hunyo 2009, malapit sa Pinalad St., Centennial 2, Pinagbuhatan, Pasig City; tinangkang pagandahin pa sa Nikon Picture Project na akin pa ring pinag-a-aralan. [Salamat kay Bb. Migs Medina sa pagpapahiram ng CD software.]

   

1. Mahirap maging mahirap kasi marami kang gustong gawin, bilhin o puntahan pero di mo magawa at makamit dahil sa kakulangang pinansyal.

2. Sa Pilipinas, maraming mga bata ang sa murang edad ay kinakailangang mag-trabaho para lang makatulong sa pamilya kahit na kapalit nito ay ang hindi nila pagtatapos [at sa iba nama’y di man lang makapag-simula] ng maayos na edukasyon.

3. Para sa karamihan, hindi lang ang kahirapan ang naipapamana kundi pati na rin ang mga bisyo at mga kaugnay na problema ng pamilyang kinagisnan.

4. Hindi ganun kadali ibasura ang nakaraan, mga negatibong karanasan o takasan ang mga humahabol na suliranin na maaaring sanhi ng ating mga maling desisyon o ng ibang myembro ng extended family nating mga Pinoy.

5. Samu’t saring kumplikasyon ang dala ng kahirapan pero bakit maraming mahirap sa Pilipinas o saan mang dako ng mundo? Maraming dahilan pero naniniwala akong marami ring paraan para makaahon dito gayunma’t hindi ganun kadali ang solusyon at walang iisang solusyon lang na babagay sa bawat taong nakakaranas nito.

6. May mga tao ring mapang-husga, chismoso’t chismosa kahit na tumatanaw lang sila mula sa labas ng iyong buhay ay wala namang ginagawang tulong.

7. Ang ibang mga mahihirap ay di maikakailang kapit-sa-patalim ang diskarte para lang makaahon sa kumunoy ng kahirapan na mas lalo namang naglulubog sa kanila dito.

8. Kahit na sa gitna ng kadiliman ng buhay ay may liwanag ding maa-aninag. Kahit na habang buhay ay may problema, habang buhay naman ay may pag-asa.

9. May magagawa tayo para umunlad ang ating bayan at ang mga pagbabagong inaasam ay makakamit kung magsisimula sa pagbabago sa ating mga sarili.

10. Simulan natin sa pagbabago ng mentalidad tungkol sa ating mga sarili, pakikitungo sa kapwa, pagsisikap at pagkakaroon ng lumalagong pananampalataya sa Diyos at pagsasabuhay nito. Siya ang tutulong sa atin ng lubos kapag iniwan na tayo ng mundo.

May pag-asa pa ang ating bayan. Tayo nang umusad sa pagbabago habang may bukas pa.

Advertisements

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s