-first published online at my Multiply last Nov. 12, 2008


Mix of Ingredients Made for Delectable Viewing

Nung una ay wala akong balak subaybayan ang reality show na ito na inakala kong hindi naman magiging kasing interesante kumpara sa U.S. Version ng Survivor—nagkamali ako. Ang pinaghalu-halong ugali ng napiling 18 castaways na ginisa mula sa 43,000 Survivor fans and aspiring castaways ay napatunayang nagbigay ng kakaibang lasang Pinoy sa naturang reality show. Mula sa iba’t ibang propesyon, family and social backgrounds hanggang sa samu’t saring pisikal na katangian: hugis, kulay at bigat gayundin ang kanilang intensyon sa pagsali (para kay Patani ay “exposure” lang ang mahalaga), ang programang ito ay tuluyan na ngang umagaw ng atensyon at emosyon ng maraming manonood na Pinoy.

Excellent Setting

Sa layo ng Devil’s Island ng Koh Tarutao, Island Andaman Sea, South Thailand mula sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas, pinipiga ng show ang “survival of the fittest” instinct ng mga magkakatunggali para sa 3 Milyong Piso na mapapanalunan ng magtatagumpay bilang Pinoy Sole Survivor. Kabilang sa mga daily challenge ng mga manlalaro sa loob ng 39 days ay ang paghahanap nila ng pagkain, gumawa ng sariling makeshift camp na hindi naman lubos na proteksyon mula sa init ng araw at hindi rin garantyang masisilungan mula sa ulan, kundi upang may matutulugan lang sa gabi at venue nila para sa mga kwentuhan, biruan at pugad ng mga isyu sa dati’y magkabilang tribo: Naak at Jarakay. Ang pagiging malapit nito sa dagat na pinamumugaran ng mga pating at sea urchins ay nakadagdag ng magkahalong romantisismo at panganib para sa mga kalahok. Isama mo pa ang pagiging kaisa nila sa kalikasan na pinamamahayan ng mga ahas, buwaya, scorpion, tarantula at baboy ramo—tunay na adventure of a lifetime ang mapasama sa pulutong na ito.

Aesthetic Composition

Intersante rin ang mga perspective at angle ng camera shots kasama na yung pagiging black & white / sepia na kuha nila sa gabi na nagbabanta ng mga kukumukulong isyu sa mga magkaka-kompetensya. Wasto ang pagkakalapat ng musika, tunog, at natural na ingay ng kalikasan gaya ng paghampas ng alon sa tuwing magbabalik mula sa commercial ang programa. Malinaw ang signal at picture quality.

Magaling na host si Paolo Bediones. Wala nang mas akma pang host para sa reality show na ito kundi siya. Makulay at kakatuwa ang mga tanong na binabato nya sa mga kalahok na minsa’y nagmi-mitsa ng mga usapin sa mga ito.

Challenging Games

Ang mga kakaibang palaro na minsa’y kwela, kadalasa’y mahirap, ay naglalabas ng tunay na ugali at kakayahan ng mga mga partcipants. Napipilitan silang gumawa ng mga strategies na madalas lingid sa kaalaman ng ibang manlalaro. Dito rin nabubuo ang mga sabwatan/alliances na hindi rin naman ganun katatag dahil sa kahuli-hulihan, isa lang talaga ang dapat na magwagi sa kanila kaya hindi matibay ang pundasyon ng samahan. Sa paglipas ng mga araw yung mga dating magkakuntsaba ay nagiging tunay na magka-tunggali. Nung magkahiwalay pa ang mga tribo ng Jarakay at Naak, dito nasubok ang tatag ng kanilang teamwork na naka-ugat sa tiwala nila sa isa’t isa na hango sa kanilang pagkakaalam ng kani-kanyang kalakasan at kahinaan.

Maigting ang mga inihandang challenge na kadalasa’y may involve na risk na mapahamak at ma-injure ang mga kalahok. Dahil nga sa isa sa mga hamong ito, na-ospital sina JC at Nina—ang huli ay tuluyan nang na-eliminate by default dahil kelangan nyang ipahinga ng tuluyan ang na-injure na paa.

Akmang sangkap din ang mga challenge na sumusubok sa tibay ng kanilang pagka-kaibigan– nagiging dahilan para sa kanila na i-re-evaluate ang kanilang mga intensyon sa pagsali: kung tutulungan ba nila ang kanilang kaibigang manalo o dapat nilang ilagay sa balag ng alanganin pati ang kanilang pinahahalagahang friendship para lang manalo bilang Pinoy Sole Survivor?

Live Human Drama Unfolds

Isang magandang diversion ang naganap sa Survivor Philippines nung magkaroon ng emersion sina JC, Rob, Kiko at Nanay Zita sa sa isang local village malapit sa island. Natuwa akong panoorin ang ilang episode na ito kung saan ay nagpapalitan sila (villagers at Survivor team) ng mga impormasyon tungkol sa kani-kanilang kultura at pagkain. Ma-drama ang pag-alis nila sa village kasi mukhang napalapit na talaga sila sa isa’t isa kahit sa maikling panahon.

Napansin ko rin na ilan lang sa mga kalahok ang madalas na ma-interview para magbigay ng mga comments nila sa mga kaganapan at isyu. Suspetsa ko, ang pagkaka-interview sa kanila ay pumapailalim sa tatlong kategorya: 1.) Sila yung mga taong kelangang mahingan ng interview dahil involved sila sa “hot issue/s”; 2.) Marahil ito yung mga taong willing ma-interview o kaya ay 3.) may mahalaga silang sasabihin na dapat makarating sa mga manonood para subaybayan pa nilang lalo ang mga susunod na episodes.

Nakakaaliw ding malaman na tila equal opportunity naman ang naibibigay sa kanila sa pagkakataong makuha ang immunity necklace sa iba ibang challenges. Yan ay nagpapatunay lang na magkaka-iba kasi sila ng mga strengths and weaknesses. Yung huling challenge na napanood ko si Nanay Zita ang nakakuha nito at yung sumunod na challenge naman, kung di ako nagkakamali, ay si Veron.

Process of Elimination in Tribal Council

Punong-puno ng sorpresa ang show dahil walang kasiguruhan kung sino ang mavo-vote out sa Tribal Council. Matapos na ma-eliminate at maging unang member ng Jury si Jace, sumunod naman si Kiko—bagay na labis na gumawa ng alingasngas at matinding usapin sa grupo.

Napag-alaman ko na kontrolado pala ng mga producers ang sequence ng pagbasa ng boto sa Tribal Council. Kaya pala madalas, kung may mavo-vote out na, alternate ang basa ng mga boto (hal. Marlon-Kiko-Marlon-Kiko) Hindi na rin pinapa-alam sa lahat (viewers and challengers alike) ang mga laman ng mga hindi nabuksang boto kaya kontrolado din nila (Producers) kung sino ang matatanggal at magiging kasama ng Jury. Ito daw ay para mas pag-usapan pang lalo ang mga episode ay gumawa ng kelangang tensyon at intriga sa grupo. Matira ang matibay talaga ang labanan.

Impact to Televiewers

Sa hindi magandang character na pinapakita ni Marlon sa programa, nai-isip ko tuloy: 1.) May tatanggap pa kaya sa kanyang employer pag labas nya ng Survivor? 2.) Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend at magulang nya sa pinag-gagawa nya sa show lalo na nung inaway niya si Nanay Zita? 3.) Baka nga batukan na lang syang bigla ng mga taga-subaybay ng show pag nakita sya sa mall isang araw.

Life After Survivor

Yung ilang na-eliminate na challengers ay nagkaroon na ng showbiz career. Si Patani na exposure lang ang habol sa reality show ay sobrang na-e-expose nga ngayon at nagho-host na sa Eat Bulaga at may mga episode guestings na rin sa Ful House. Si Nikki ang magandang binibini na dating Call Center Agent ay siguradong makikita na ring madalas as GMA 7. Si Jace na magiging regular actor daw sa Luna Mistica. Si Nina na nakita ko minsang kalahok sa K-The 1 Million Videoke Challenge!

Naisip ko lang, magka-kaibigan pa kaya sila pagkatapos ng programa? Kasi sa tindi ng trayduran , tagisan ng lakas, stratehiya at emosyon dun pati na rin ang mga palitan nila ng maa-anghang na salita–tingin ko may mga pagkakaibigan pa ring magpapatuloy ngunit mayroon din namang mabubuwag nang tuluyan ang samahan.

Dahil na rin sa mga suspense, surprises, isyu at intrigang gawa ng show–na may pagkakahalintulad sa tunay na buhay–kaya magandang subaybayan ito. Hindi lang ito labanan ng pisikal na kakayahan kundi pati na rin ng intelligence at emotional quotient.

Advertisements

2 thoughts on “TV Show Review: GMA 7’s Survivor Philippines (Batch 1-Cast Away)

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s