ika-30 ng Enero, Sabado ng Gabi
Tahanan ng mga Danganan, Village East, Cainta, Rizal

Hindi pinatawad ang lalim ng gabi sa kabila ng matagal na hintayan na nauwi sa mahabang kwentuhang tila lasing na mga boys sa Jollibee-Makro (Haha!), habang si Mitch naman ay sige ang telebabad sa cellphone at ang ibang girls ay tetetext-text, sulit naman ang paghihintay kay Rhenzel na dumating kasama ni Hebron dala ang mostly-donated goods para sa mga kababayang kapus-palad na laman pa ng kalye sa alanganing oras na iyon.

RhenzelGuiangBdayProject

Iba-ibang kwento ng engkwentro sa iba-ibang lokasyon na inabot ng tatlong sasakyang maneho nina Word, Hebron at Jonathan ang napagsaluhan sa tahanan ng mga Danganan matapos halos masimot ang mga ipinaimigay na mga pagpapala. Sinamahan ng mga istoryang makabagbag-damdamin hanggang sa kakaiba at nakatutuwa ang masarap na kainang pinagpagurang handaan ng mga nagmamahal sa may kaarawan.

Sa gitna ng tawanan sa mesa, may kumpulan naman ng kalalakihang nagaganap sa ilalim ng hagdanan na may ingay na kakumpitensya sa hagalpakan ng aming mga halakhakan na tumagal hanggang pasado alas-dose ng gabi.

Mga ganitong eksena ng kasiyahan at pagbabahagi ng bagay-bagay, buhay, at bahay ang madalas na masa-saksihan sa komunidad ng mga Kristyanong magkakaibigan.

Advertisements

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s