– ika-13 ng Disyembre 2008 sa White Cross Orphanage San Juan Metro Manila

Sa imbitasyon ng mabuting kaibigan, dating Trainer/Team Leader na si Lynch Madridejo, kaunting donasyon, panahon at extra-effort, nakarating ako sa bahay-ampunan at nakapiling ang mga batang ito. Kasama ko sa pagpapakain ng Jollibee meal at pamimigay ng Christmas loot bags ang aking dating Team Leader (TL) ngayo’y Customer Service Centre (CSC) Operations Supervisor ng U.K. na si Dave Allan Carcosia with TL for CSC-US Paulo, ang aking kasalukuyang TL sa CSC Philippines na si Jennifer Estrada-Candichoy, mga kaibigan sa CSC-Australia na sina Milan Paguio [sa kanya ang ilang larawan dito], Jeanne Mangulabnan at Aubrey Yu (Quality Assurance Analyst-AU).

PaskoNgMgaBata

Nung bata pa ako, dahil sa kahirapan at munting malikot na isipan, inasam ko rin na magpa-ampon sa White Cross. Nagpunta kasi ang mga madre noon sa depressed area na dati naming tirahan at nag-offer na mag-kupkop ng mga bata sa mga pamilyang mahirap at maraming anak.

Nung nasa West Crame pa kami nakatira, dina-daanan lang ng pampasaherong dyip ang malaking lote ng ampunang ito na napapaligiran ng mataas na puting pader sa tuwing namamasyal o namamalengke kami sa dating nasunog na Agora Complex sa San Juan.

Hindi ko inakala na paglipas ng maraming taon ay makakapasok rin ako sa bakuran nito hindi upang magpa-ampon kundi para maglingkod at magbigay-saya sa pamamagitan ng sandaling pagkalinga at pagmamahal sa mga batang uhaw sa yakap ng mga magulang, Ate at Kuya.

May mga pagkakataon, habang nagho-host ng party ang Jollibee Greenhills service crew nung araw na iyon, dinumog ako ng mga bata para magpa-karga at maglambing. Kinubli ng aking camera at mga tawa ang pagkalungkot ko sa kanilang sitwasyon. Maraming mga bata ngunit kulang ang house-parents sa party. Paano pa kaya sa pang-araw-araw nilang buhay dun? May mga bata sigurong hindi nakaka-kain, napa-paliguan ng maayos at naa-alagaan pag may sakit sila dahil sa kakulangan ng mga nag-a-alaga.

Hangad ko na sana dumating ang araw na mas makatulong pa ako sa kanila. Sa ngayon, dalangin ko na marami pang mabubuting tao na dumalaw sa kanila at magbigay ng tulong…lalo na ngayong Pasko.

To give donations:
Visit http://www.dot.com.ph/whitecross
Address: White Cross, Inc. 276 Santolan Road, San Juan, Metro Manila
Call Phone# 724-2145
email: whtcross@iconn.com.ph; whitecrossinc@gmail.com

Advertisements

8 thoughts on “Pasko ng Mga Bata sa White Cross Orphanage

  1. hi ilang beses n ako ng vview sa page n to willing kasi ako mag visit sa white cross to see the children..kaya lng di ko mxado kabisado ang lugar…..
    gusto ko po kasi sna mag ampun…

    Like

    1. Hi Jazzel,

      May address at phone# sa ilalim ng article na nilagay ko talaga for people like you. 🙂

      Madali lang pumunta dun. If magko-commute ka, from Cubao, sakay ka ng jeep pa-San Juan sa pagtawid mo ng Farmers Plaza, likod ng 7-11 yung sakayan. Tapos pa-baba ka na lang sa harap ng White Cross bago mag-Pinaglabanan yung area.

      Hope this helps. 😉

      Like

      1. hi..
        uu willing ako tlga pumunta sa lugar n yun..kya lng galing pa ako sa quezon province ei..kya tatanung muna ako panu pag pnta dun..gusto ko kasi mag try mag ampun galing sa whtecross…cge ttandaan ko nlng sinabi mo…ilng beses n kasi ako ntwag sa contact nila not available nmn…
        thx…

        Like

    1. @ AR – Gaya ng sagot ko kay Jazzel sa itaas: “Madali lang pumunta dun. If magko-commute ka, from Cubao, sakay ka ng jeep pa-San Juan sa pagtawid mo ng Farmers Plaza, likod ng 7-11 yung sakayan. Tapos pa-baba ka na lang sa harap ng White Cross bago mag-Pinaglabanan yung area.”

      Pero tingin ko dapat magpa-appointment o tumawag ka muna sa office nila bago ka pumunta dun. God bless!

      Like

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s