Ayon sa datos ng Social Weather Stations survey para sa First Quarter of April 2011, ang kagutuman sa Pilipinas ay umakyat sa 20.5% families o tinatayang 4.1 million families sa buong bansa at 51% sa ating mga kababayan ay nag-deklarang mahirap sila.

2010 Hunger Degree-Philippines-Social Weather Stations

Pinapakita sa graph na higit pang tumaas ang kagutuman (o kahirapan) sa bansa sa panunungkulan ni P-NOY kung ikukumpara sa panahon ng mga nakaraang pangulo. Bukod sa government corruption (na ang ugat ay kasalanan) marahil dahilan din ito nang patuloy na pagtaas ng bilihin, dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo at patuloy na kakulangan ng trabaho sa bansa kasabay sa pag-lobo ng populasyon.

Kasabay ng pagdami ng mga pamilyang walang tirahan, ang pagdami ng mga taong nanlilimos gaya ng mga sumusunod:

  1. Mga batang sumasakay ng jeep na may dalang sulat kamay daw nila, humihingi ng pera para daw sa pag-aaral o pagkain nila pero ilan sa kanila tuma-tanggi pag binibigyan mo ng pagkain o di kaya may dala silang basahan na pupunasan ang sapatos mo, kahit sandals, tapos ilalahad ang kamay para mang-hingi ng pera
  2. Mga binata’t dalagang uma-akyat ng bus para mang-hingi ng donation o di kaya’y may dalang mga sweets (candies, pastillas etc.) sa mga fastfood chains at kapirasong flyer ng kanilang charity na sinu-suportahan
  3. Mga nanay (o impostor na Nanay) na may dalang mga batang tulog o may sakit sa ibabaw/ilalim ng overpass/underpass, foot bridge o simbahan
  4. Matatandang babae o lalakeng nanlilimos (minsan may suot pang Igorot outfit) sa mga jeep na minsan magugulat ka dahil kakalabitin ang balikat mo pag hindi ka lumingon sa kanila
  5. Mga Nanay o matandang babaeng may kasamang bata na nanghi-hingi ng pamasahe para maka-uwi daw sa kanilang bahay/probinsya

Naniniwala akong hindi dapat ibunton ang lahat ng sisi sa gobyerno lang, dahil sa kabila ng kahirapan ng bansa ay ang kasalanan din ng bawat isa sa atin. Lahat tayo guilty in one way or another, gaya ng…

  • Pagpasok sa pagpa-pamilyang walang kahandaang pinansyal o pagpa-palaganap ng lahi kahit na walang hanap-buhay
  • Patuloy ang masamang bisyo: alak, sugal, sigarilyo, internet at network games kahit sa mga estudyanteng inuubos na ang pambaon dun, pamba-babae o panla-lalaki kahit ng mga ibang may asawa na na nagbu-bunga ng higit pang komplikasyon at kahirapan
  • Walang habas na pag-gastos sa shopping malls at panonood ng mamahaling concerts kahit na sa darating na araw ay wala nang kakainin.

“Self-inflicted povery” ang tawag sa ilan dito, sabi nga ni Sherwin Tan, isang pintor, businessman at isa sa matalik kong kaibigan.

Photo from http://eunmiternity.tumblr.com

Naniniwala ako na kaya nating maka-ahon sa hirap kung sasamahan natin ng ibayong pagsisikap ang ating pananampalataya sa Diyos, pag-a-aral na maging more financially literate na hindi tinuturo sa paaralan, pagtitiis para sa tamang pagpa-plano ng buhay.

Sana hindi natin i-asa sa ibang tao (o sa gobyerno lang) ang ating personal na pag-unlad.

Tingin ko, gaya yan sa mentalidad ng ilang taong nanlilimos. Kaya sila nanlilimos ay dahil obligasyon ng ibang taong tulungan sila. Kaya naman, yung ibang nanlilimos, pag binigyan mo ng pagkain, ay dadabugan ka pa minsan.

Mahirap maging mahirap…it complicates a lot of things. Poverty begets poverty, as it negatively affects other people’s lives around by becoming a burden to them. Produkto ako ng kahirapan pero ayokong manatili rito. Magsisikap akong hindi na maranasan ng magiging pamilya ko ang mga hirap na naranasan ko.

Galit ako sa kahirapan pero mas galit ako sa kasalanan na nagdu-dulot ng kasiraan ng tao.

Sa pamamagitan ng patuloy nating pagsunod sa Diyos na Siyang nagbabago sa puso, isipan at mga gawi natin, kaya nating labanan ang kasalanan, gayundin ang kahirapan. Tanging Siya lang ang makapagbibigay ng tunay at nagtatagal na kasaganahan, kaligayan at kapayapaan sa buhay natin sa kabila ng mga pagsubok at malawakang kahirapan sa ating bansa.

Advertisements

One thought on “Kahirapan at Kasalanan

  1. Sang ayon ako sa ilang mga katotohanang nabanggit na ugat ng mga kahirapan at sang ayon din naman ako sa katotohanang di dapat ibato sa kung kaniman ang sisi sa mga nagaganap sa lipunan at buhay ng bawat tao. Ang bawat isa ay responsable sa kanyang sarili. Ang halos lahat ng kinalalagyan ng tao ay bunga ng kanyang pagpili.

    Sa ganang akin ay malinaw na sinasabi sa Banal na Kasulatan na ang lahat ng tao ay makasalanan…ang kasalanan ang dahilan ng kahirapan. Ang kahirapang pilit na hinahanapan ng tao ng solusyon ay di talaga masusolusyunan maliban na lang na tanggapin ng tao na sya ay makasalanan at kailangan nya ang kapatawaran. Maliban na lang na malaman ng tao ang kaparaanan para mapatawad ang kanyang kasalanan. Maliban na lang na makilala at tanggapin ng Tao ang Panginoong Hesu Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas.

    Sa ganang akin pinsan, Kasalanan ang ugat ng kahirapan at ang Panginoon lang ang makakapagbago ng lahat. Di ang sinuman. Anumang gawing pagsisikap ng tao ay walang mararating malibang ito’y loobin ng Panginoon. Maaaring madaya ang Tao ng pansamantalang solusyon sa kahirapan subalit sa bandang huli’y kapighatian pa rin ang mararanasan.
    Kung ang tao ay magkakaroon ng tamang pagkilala at pagtrato sa kanyang manlilikha ay mararanasan n’ya ang mga pagpapala.
    Subalit ang tunay at walang hanggang solusyon sa kahirapan ay mararanasan na lang natin sa piling ng ating manlilikha sa langit. Hanggat nandito tayo sa mundo ay di mawawala ang kahirapan sapagkat ang mundo ay binubuo ng mga makasalanan.(Kahit ang mga matuwid ay di exempted sa kahirapan).

    Liked by 1 person

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s