August 2, 2013Biyernes –  Kaninang lunch habang bumibili ako ng pagkain, may lumapit na batang humihingi ng limos. Tumanggi ako magbigay ng pera, gaya ng nakagawian dahil ayokong magtagal sila sa lansangan, dahil marami silang mapupulot na maling asal dun.

batang nanlilimos

Matapos kong bilhin yung pagkain ko, bumili ako ng extrang malaking saging worth Php 12 para sa bata. Hinanap at binalikan ko siya, binigay ko yung saging, pinag-pray ko sya (sa sarili ko lang), at dali-daling bumalik sa building namin.

Balik-Tanaw

Dati nung bata pa ako, ginagawa ko rin iyon. Nangangatok kami sa wall glass sa labas ng Jollibee sa Greenhills para manghingi ng pagkain sa mga customers. Tuwing Pasko naman, nagme-Merry-Christmas sa kalye para may magbigay ng pamasko at nagdo-doorbell sa mga malalaking bahay sa Greenhills para mamasko.

Salamat po, Lord!

Tapos na ang mga panahong iyon. Ako na ngayon ang nagbibigay, tumutulong, at nananalangin para sa mga nangangailangan.

Panalangin

“Sobrang bait mo, Lord! Wala kang katulad mag-mahal. Maraming salamat po dahil patuloy mo akong bina-bago at ang buhay kong payak, pinu-puno mo po ng mga simpleng kaligayahan at magarbong inspirasyon. In Jesus’ Mighty Name. Amen.”

Related posts:

Tanong: Ano ang opinyon mo tungkol sa pagbibigay ng limos?

Advertisements

3 thoughts on “Random Act of Kindness for God

  1. Nakakatuwa naman kung pano binago at tinaas ni Lord ang buhay mo. Truly, there’s hope for those kids. Let’s continue to pray and help them. 🙂

    Dati may mindset pa ko na wag mamigay kasi baka sindikato o baka mananamantala lang. But I heard from a leader that “why not? seriously, di niyo naman ikayayaman ang lima o bente pesos e.” It was so straightforward; it hit a nerve. My mindset was changed since then. 🙂

    Like

    1. Hey, Jai! Salamat sa muling pag-bisita dito at pag-iwan ng komento. 😀

      Sabi nga nila, “different strokes for different folks.” What works for me may not work for you. We all have a reason why we do what we do…minsan may “lalim” itong pinaghuhugutan.

      Like

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s