-Hango sa buhay-pag-ibig ng isang kaibigan-


Di ko inaasahang dumating ka sa buhay ko
Bigla mong pinukaw itong puso ko
Nalaman ko kung ano ang pagmamahal
Umasang kahit paano tayo’y magtatagal

Minahal ka ng todo-todo; naging kaagapay mo
Kahit saglit lang, sa’yo umikot ang mundo ko
Sa Gumamela Ave. tayo unang nagkakilala
Dun din pala Pag-ibig nati’y malalanta

Syam na buwan tayo na sana’y walang hanggan
Kung gaano kabilis nabuo, gayundin nagpaalam
Binuksan mo ang buhay mo bilang isang kaibigan
Ngunit lumayo kang di man lang nagpaalam

Halos nawala lahat sa’kin pati pamilya ko
Parang halos gumuho din buong mundo ko
Minahal ka ng lubos sa kabila ng lahat
Iyon ba para sa iyo’y di pa sapat?

Parang halamang dati’y nananahimik
Hinugot mula sa ugat, iniwang diwa’y tirik
Dati kong luntiang dahon ngayo’y nalalanta
Dating sigla ng buhay ko tila naglaho na

Dati Pag-ibig saki’y kasiyahang di-mapapantayan
Di ko akalaing puso ko’y paglalaruan
Ngayon ko lang lubusang naunaawan
Sa Pag-ibig, dapat laging handa kang masaktan

Saan ka man ngayon, itong dalangin ko:
Lumigaya ka sana sa pinili mong buhay
Kahit nasasaktan pa rin ang puso ko…
Salamat sa sandaling sayang walang kapantay.

Advertisements

Chime in and comment.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s